Wednesday, May 09, 2007

road trip...

kasunod ng pagliligpit, paghahakot at paglilipat ay ang road trip...


hindi ito ang una naming road trip. 4 months na pa lang si sebastian bumibyahe na kami ng 3-5 days across USA. 1 day = 8 hours drive...

April 2005 - road trip from Louisiana to Pennsylvania. 2 days 5 hours plus... pero pag meron kang 4 month old na baby it takes longer... madalas pa kasi shang palitan ng diaper noon. kaya humihinto kami almost every two hours. napaos ako kasi kung hindi ko sha kinakausap kinakantahan ko sha para lang malibang. at kapag nakatulog na si sebastian noon, sinasamantala namin magdrive pa kasi marami ngang naging hinto. medyo mahirap ang naging byahe namin noon kasi may kasabay kaming bagyo mula sa south papanik din. nakakaawa nga si bernardino noon kasi zero visibility talaga kahit umaga o tanghaling tapat. kaya nga kahit antok naman ako hindi ko sha tinutulugan (at least hindi matagal...) kasi baka makatulog din sha sa pagda drive...
states na nadaanan namin: Missisippi, Alabama, Tennessee, Virginia, Maryland, Delaware

between April and May 2005 - pumasyal kami sa New Jersey at New York habang naka stay kami sa Pennsylvania. sayang na rin kasi malapit na rin naman...

May 2005 - road trip ulit... Pennsylvania to Arizona naman. from medyo winter pa to summer na... buti na lang via land ang lipat namin. gradual ang pagpapalit ng climate kung hindi medyo nakakabigla. dito 4 days 5 hours plus naman. nakakatuwa nga si sebastian kapag nasa hotel na kami sa gabi... pagulong gulong sha sa kama kasi ba naman maghapon sha halos nakaupo sa carseat. yung itsura nya sine savor talaga yung softness ng bed.
states na nadaanan namin: West Virginia, Ohio, Indiana, Illinois, Missouri, Oklahoma, Texas, New Mexico


June 2005 - road trip ulit... Arizona to Nevada naman... maiksi lang 5 hours plus... chicken na chicken lang kay bernardino...

July 2005 - road trip ulit! pabalik naman ulit ng Arizona from Nevada... BALIK!

May 2007 - ROAD TRIP!!! Arizona to Illinois... 3 days 4 hours plus. this time hindi lang kami sa mga welcome center dumaan. may ilan ding interesting places kaming napuntahan along the way kagaya ng Miraculous Staircase, Oldest Church at Oldest House sa Santa Fe, New Mexico; the Biggest Cross in western hemisphere, sa Groom, Texas; at ang Gateway Arch sa St. Louis, Missouri. may malaki na ring pagbabago dahil hindi na ko mashadong napaos kakakanta kay sebastian dahil me dvd na kami sa car puro nood na lang sha kapag na bore na kakatingin sa dinadaanan o basta na bore na sha sa pagupo sa carseat. mabuti nga naaaliw na sha kasi madami na shang naa-identify. hindi pa lang sha marunong maglaro ng i-spy...
states na nadaanan namin: New Mexico, Texas, Oklahoma, Missouri

hindi naman gaanong mahirap mag road trip dito sa amerika. dahil mayaman silang bansa, madami silang public restrooms. sa mga rest area nila ang iba mayroon pang playground (na iniiyakan ni sebastian kasi ilang minutes lang kami tumatagal).

masarap, masaya, nakakapagod, nakakatuwa

masarap - kasi nakakakita kami ng bagong lugar.

masaya - nakakapagbonding kaming mag anak habang nasa daan

nakakapagod - mostly kay bernardino yan... pero nakakapagod talaga...

nakakatuwa - need i say more?

No comments: