Showing posts with label bastian. Show all posts
Showing posts with label bastian. Show all posts

Saturday, July 19, 2008

cars...

kahapon, after my OB check-up niyaya ko si dadi bernard maglakad sa Mall para medyo magprogress na ang aking labor (nasa first phase pa rin ako...)

cguro after isang oras pa lang ng lakad namin nakabili na ng dalawang sapatos si dadi (sale naman kasi).

lakad pa... maya-maya merong napasok na bagong store ang aking mag-ama. RIDEMAKERZ ang name ng store (www.ridemakerz.com). kapatid sha ng Build-A-Bear, kaya lang dito ang ginagawa mga kotse (miniature - na not so mini).

nakakaaliw. at talagang naaliw si sebastian. sayang nga wala akong dalang camera na pang capture ng sobrang happy nyang smile... tinulungan pa kasi nya yung salesperson sa pagbuo ng "ride" nya.

paguwi pinaglaruan kaagad. at tipong bagong member ng family kinakausap pa ang bago nyang kotse...














nasa subject na rin naman ng cars...

ang dadi bernard meron ding bagong ride...





pero mabuti pa yung kay bastian full-paid na, yung kay dadi binabayaran pa hehehe...

Tuesday, July 15, 2008

4th of July...

4th of July 2008, Friday

ang balak sana namin mamamasyal sa Navy Pier... kaso nagkasakit na naman si sebastian. akala nga namin magagaya na naman sa Labor Day weekend na nauwi sa pagkaka-confine niya. pero just the same ku-Long Weekend na naman ang nangyari.

dapat meron kaming pupuntahang birthday party tapos derecho ng Navy Pier para manood ng fireworks. sa sobrang sama ng pakiramdam ni sebastian, sha na ang umayaw lumabas at sa TV na lang daw sha manonood ng fireworks.

buti na lang (Thank God) by Saturday night nawalan na sha ng lagnat...

hay naku! ayoko na yatang magkakaroon ng long weekend kung Ku-long lang naman kami dahil magkakasakit na naman si sebastian...

Friday, May 30, 2008

update...

salamat kay God...

nakalabas na kami nung wednesday pa...

kasi hindi na nilagnat si Sebastian since tuesday night. wednesday morning pagkasabi ng doctor na pwede na kami lumabas, paglabas nya ng pinto nagayos na kami... pagkaabot ng release docs walang nasayang na minuto...

it's so nice to be home!

nag rerecover na lang si Sebastian sa kain at tulog... naka antibiotic pa sha pero umo OK na. pati ubo nya nawawala na... balik na nga sha sa kanyang usual madaldal mode... kahit nakakarindi, masarap pa rin pakinggan!

Tuesday, May 27, 2008

weekend before Memorial Day...

May 26, 2008 - Memorial Day

May 24, 2008 - Saturday before Memorial Day...

... dapat nagda-drive na kami kung saan man namin sana balak pumunta...
... or dapat nandoon na kami kung saan man namin balak pumunta...

hindi na kami naka tuloy kung anumang "gala" ang balak namin kasi may sakit si Sebastian. so, nakipag Wii night na lang kami sa Serador Family (Mike, Shirley & Audric). nung gabi parang lumalala sakit ni sebastian, as in, tumitigil shang makipaglaro kasi sobrang hingal o panghihina...

paguwi sa apartment, tumawag ako sa pediatrician kung pwedng kong i-up ang dosage ng inhalation ni sebastian... No daw. He's too sick to be home kung itataas an dosage. dalhin na raw sa ER.

so punta kami...

all along ang concer namin ay ang kanyang hika. pagdating sa ER wala naman daw hika. dinala sa X-Ray... nakita merong pneumonia... at malaking (and impressive daw) na blockage sa tiyan! at pati appendix pinagiinitan...

dinala naman sa CT Scan... mabuti na lang yung nasa tiyan ay hangin lang daw at yung appendix ay normal naman pala. pero in-admit pa rin kami dahil sa pneumonia at dun sa malaking tiyan...

May 27, 2008 - Today... malao pa rin kung ano na ang progress namin dito... pero personally, mukhang lumalakas na ang baby ko at bumabalik na ulit sa kanyang old-self.

hopefully, tomorrow ay palabasin na kami...

hindi na kasi naniniwala sa amin si Sebastian... kasi two days na sha nagyayaya umuwi hindi pa rin kami makasagot kungkelan nga kami uuwi... sabi kami ng sabi na he will get better pero cguro feeling nya wala naman nababago...

mas mainam pa yata talaga na nagplano na kami kaagad kung saan kami pupunta for Memorial Day weekend...

Thursday, May 22, 2008

ah.... Spring...

Spring na!

as in, pati temperature Spring na ang feeling. although madalas pag gabi feeling Fall kasi mahangin.

pero Spring na kasi ang mga puno at flowers in full bloom na. tapos once a week meron nang nagka cut ng grass sa labas ng apartment namin (kaya hindi pwedeng lumabas si Sebastian after nun)








Wednesday, May 21, 2008

school...

tapos na ang Spring Saturday Pre-school at Art Class ni Sebastian...

academically, wala naman sha natutunan... heheh. ano ba naman ang aasahan sa 2 hours na klase. pero mas maganda talaga magpa pasok sa Pre-school sa atin. naaalala ko kasi noong nagNursery ako tinuturuan na kaming magsulat, magbilang, magcolor bukod sa mga kanta at games na ginagaw namin... dito puro lang sila kwento, kanta, arts, at games...

pero natuto naman makipag socialize si Sebastian kahit papaano... napapansin ko sa kanya na marunong na sha magshare, at maghintay ng turn nya, at mas mahaba na ang pasensha nya...

kay ie-enroll pa namin sha ulit sa Summer Saturday Pre-school at Sports Class naman...

hopefully, next year maipasok na namin sha sa regular preschool para mas matuto na sha at mas maging prepared sa school...

heto lang ang naipon naming arts nya...


muddy pig... nung ang topic nila ay farm animals...

frog daw ito

gawa nila for Mother's Day

first Mother's Day card na gawa ni Sebastian for me...


sa Art Class...




Caterpillars and Butterflies




fish and other water creatures



duck with multi color feathers
flower na nasa loob ang stem at dahon

gawa sa rubber squeegie



Thursday, April 10, 2008

first day in art class...

for the spring season, in-enroll namin si Sebastian sa ilang class na offered ng community namin dito sa Schaumburg, Illinois.
Mondays, Art Class... Saturdays, weekend pre-school. weekends muna kasi baka hindi naman nya magustuhan. 6 weeks lang naman ito (total of 6 sessions each) pero kung magugustuhan nya meron din silang summer classes na offer, cguro itutuloy na lang namin.

April 7, 2008, Monday - first day ni Sebastian. nag enjoy naman sha. kinabukasan nga nagyayaya na bumalik... paano ba naman, 15 min playtime, 30 mins art work time, 15 mins na story and singing... tapos nakabalik pa ulit sila sa play area bago umuwi...

ang hinihintay ko na lang matuto sha makipag socialize sa ibang bata next time...

going to art class...
wait... waiting with Audric...

playtime muna...
art time... first creation ni Sebastian in school
story time...
singing...
play ulit...