Showing posts with label story. Show all posts
Showing posts with label story. Show all posts

Friday, June 08, 2007

cheap...

cheap...

mahalagang word yan kahit napakamura ng kahulugan...

sino bang tao ngayon ang hindi cheap? cguro kahit yung mga milyunaryo at bilyunaryo kahit once in their life ay nakaranas bumili ng something cheap...

in my opinion, hindi naman masama maging cheap o matipid. hindi naman kasi madali kumita ng pera. marami pang pagkakagastahan ng mas importante in the future....

pero hindi talaga cheap ang living dito sa US. tapos ngayon nga napunta pa kami dito sa Illinois na napakatataas ng tax! ang mas mainam lang sha sa food items, lesser ang tax. unlike naman sa Arizona pantay ang tax sa lahat. kaya kung medyo hindi ka gagastos dito sa mga damit at ibang bagay na hindi naman makakain medyo maOK na rin.

kaya nga heto ang latest ka-cheapan namin ni bernardino...

kasi nga nakabukod na ng bedroom si sebastian... eh marami na shang books. so kailangan namin ng book shelf. naku! tempting... napakalapit ng IKEA dito sa bago naming apartment... pero hindi naman kami na-tempt bumili ng book shelf... meron kasi silang as-is department. where, you can find things in cheap (at yung iba not so cheap pa rin) na prices. duon meron silang shelf ng loose materials for cabinets. hayun pumili lang kami ng apat na pirasong tabla na magagawa naming bookshelf and... VIOLA! may book shelf na si sebastian.



ang highlight ng ka-cheap-an na ito ay ang mga ginamit naming turnilyo at pako. iba-iba kasi pinulot ko lang sa tool box namin hehehe.... pero OK naman di ba?

Monday, April 09, 2007

hika...

hindi bago sa akin ang temang ito. hindi rin first time ko magaalaga ng may hika... (kasi naaalala ko, si nova may hika din nung bata pa sha...)

kaya lang kapag anak mo pala mas nakakatakot bukod sa nakakaawa...

nakakatuwa lang kasi fighter ang baby ko. heto nga me video pa sha sa daddy nya...

pagiisa...

April 6 - Good Friday ng gabi... napansin ko nahihirapan huminga si sebastian... tumawag ako sa kaibigan (kasi last New Year's Eve dinala nila ang baby nila sa ER dahil nahirapan huminga) humingi ako ng advise at comparison kung dapat dalhin ko na si sebastian sa ER... sabi nila dalhin ko na raw...

11:00 PM - bumibyahe na kaming magina sa SR 51 papuntang Phoenix Children's Hospital.
11:33 PM -ini interview na kami ng Triage Nurse.
12:45 AM - pinapasok na kami sa isang room.
1:20 AM - chaka pa lang dumating nag doctor na intern. tinanong pa lang ako "what bring's you here", naiyak na ko...

kasi nakakatakot pala magisa... lalu na kapag may sakit ang baby mo... tapos ang asawa mo nasa malayo... tapos nasa ibang bansa ka at iba ang salita, pakiramdam mo wala ka talagang karamay... tapos ang hirap pa mag explain kasi sa sobrang antok at pagod naba blangko na ang utak mo.

2:00 AM - nakatulog na si sebastian sa ER. na -nebulizer sha at nabigyan ng gamot ng hindi nagigising.
2:45 AM - pumipirma na ako ng release forms at binibigyan na ng instructions kung paano bibigyan ng gamot si sebastian paguwi. may asthma daw...
3:33 AM - lumalabas na kami ng hospital grounds papuntang SR 51 pabalik sa bahay.

haaayyy... ang buhay... nakakatakot magisa...

pero alam ko hindi naman ako nagiisa noong panahon na yun. alam ko kasama ko si God. kaya nakabyahe kami ng maayos kahit pa nga hilo na ko sa antok at pagod at nerbyos... kaya nga umayos naman ang lagay ni sebastian pagkaraan mabigyan ng gamot.

sa ngayon umaayos na ang kondisyon ni sebastian. pero dahil alam kong me hika na nga sha, maga anticipate na ko na hindi ito ang huli naming "pagbisita" sa ER may kasama man o nagiisa...

Friday, April 06, 2007

dalawang taon na ang nakaraan...

balik tayo sa taong 2004... isa sa pinakamagandang taon ng pagsasama namin. april 2004 nang madiskubre kong nagdadalantao ako. hindi ko maiku kwento ang feeling nung makita ko ang dalawang guhit sa stick na inihian ko... wala kasi akong masabihan nun nagsite si bernardino.

masaya, nakakatakot, nakaka excite, nakakalungkot ang buong siyam na buwan...
masaya - kasi magkaka baby na kami (apat na buwan din kaming nagtry no...!)
nakakatakot - kasi me mga spotting ako. nakakatakot lalu na nung naging bleeding...
nakaka excite - nung manganganak na ko...
nakakalungkot - kasi wala kaming ma share-an mashado ng saya dahil ang family namin nasa Pinas.

December 14 - ang calculated due date ko.
November 30 - sinubukan namin ni bernardino mag "induce" ;-)
December 1 - gabi meron akong "tagas"... mahina eh, parang wee wee na hindi napigil. eh ang sabi nila yung pagputok ng panubigan parang gripo na binuksan. nakaligo pa ako, nakaluto ng hapunan, nakapaghapunan at nakaidlip habang nanonood ng tv si bernardino. pagbangon ko ulit para matulog na ng maayos me "tumagas" ulit. nagdecide na kong tumawag sa OB ko at in-advise na nya kong pumunta ng hospital para ma check... hayun! pagdating namin sa hospital manganganak na nga daw ako... nakakatuwa ang expression ni bernardino nung sinabi sa amin yun... akin na lang kasi di ko ma explain..hehe...



hindi ako mashadong kinabahan nung manganganak na ko. ewan ko kung dahil inaantok lang ako. masarap pala pag me epidural, hindi ka madadalang manganak kasi hindi masakit!

December 2, 2004 - 8:06 am lumabas si Sebastian Daniel, 6lbs 15 ozs, 20" length, 13" head, 11 3/4" chest... (imagine kung paano nagkasha sakin ang 13" head???)


actually, yung sebastian daniel ay napagkasunduan namin a day after na lumabas sha. wala kaming mapagkasunduang pangalan mula ng malaman namin na baby boy meron kami (may nakahanda kasi kaming pangalan sa baby girl lang). pero yung sebastian daniel ang pumasok sa isip ko nung nanganganak na ako...

update: two years old na si sebastian daniel ngayon... matalino at madaldal na bata... marami na kong papuri na natatanggap para sa kanya, mula sa pagiging cute hanggang sa pagiging smart!
:-)

wedding day(s)...

katulad ng pagiging mag boyfriend namin... dalawa din ang wedding date namin. pero unlike sa pagiging magBF, eto hindi biruan yung una, madalian lang pero seryoso naman. mashado ngang serious si bernardino nung araw na yun, ilang beses ko yata tinanong kung gustong umatras... hindi naman daw.
unang wedding day: February 13, 2003,Office of the Mayor, Obando, Bulacan. Only guests: (Bes)Joanne, Nancy, witnesses: Ninang Emma and Ninong Nemy. matipid yan, ang reception namin sa Max's. pero ang actual ceremony ay February 10. kasi by February 13 lilipad kami pareho ako paSingapore at sha paUSA... (hindi man lang kami nakapagValentines Day as husband and wife...)




pangalawang wedding day: April 8, 2006, St. Francis of Assisi Chapel, Fernwood Gardens. Guests: the whole Mendoza and Oliveros Family, closest friends and additional ninongs and ninangs...












tapos me plus na yan!








... meron na kaming Sebastian Daniel...

ang simula...

May 2000 - nung magkakilala kami ni bernardino mendoza jr. sa keppel communications office sa makati. sa totoo lang... akala ko 'bading' sha! kasi mahinhin kumilos, tapos ang neat, neat pa magdamit (samantalang yung ibang kasama namin naka-shirt lang sha naka long sleeve polo pa!). hindi sha yung tipo ng unang kita ko pa lang ay type ko na. pero sha lang ang naging friendly sakin sa lahat ng nandun. naalala ko pa, sha lang tumabi sakin nung lunch (inalok ko kasi sha ng ulam ko, gusto lang yata nya humingi...?)

August 2000 - simula na ng tagulan! tagaObando ako, tagaValenzuela sha... parehong binabaha. duon nagsimula ang bonding namin... sa kahirapang bumyahe pauwi. mabait pala sha talaga. (hindi naman pala bading kasi me ex-girlfriend shang kinukwento...). mejo nagiging crush ko na sha kasi neat talaga sha at super bango palagi! (parang laging bagong ligo...?). mejo funny din at hindi boring kausap...

September 14, 2000 - lekat! nagkalokohan na! nagka boyfriend ako bigla sa loko-lokohan sa network chat ng opisina... ayaw na bawiin ni bernardino! kami na daw??? -- ganito yun: niloloko kami na ina-under daw nya ko (kasi naman sha ang leader ng team namin nung araw na yun kasi absent si Inong) sa mga binibigay sakin na drawings. sinabihan ko sha sa chat na "ikaw ha, ina under mo ko..." sabi nya" hindi naman, love you nga eh" sagot ko naman "U2" -- hayun na! kami na daw at wala ng bawian!!! lekat talaga!

September 18, 2000 - sabay kami umuwi sabi ko bawian muna... sabi naman nya cge daw. friends na nga muna kami ulit.

September 19, 2000 - tinawagan nya ko, first time sa bahay... magsimba daw kami kinabukasan sa greenbelt. umOK naman ako.

September 20, 2000 - nagMass kami sa greenbelt. sabi ko nung pauwi na kami "tayo na ba?" (kasi magka holding hands yata kami buong misa...?) sabi nya "hindi pa, gusto ko makilala muna mommy mo at mga kapatid.." sa loob ko, makaluma? kasi tagaBatangas? mejo backwards pero romantic! :-)

September 21, 2000 - absent ako kasi gumagawa ng sideline... magdamag pa ring napuyat.

September 22, 2000 - dapat sasama sha sa labas ng "boys" sa opisina. nakiusap ako kung pwede na huwag na sha sumama kasi nahihilo yata ako (remember napuyat ako kahapon refer above...) at sabay na lang kami umuwi. umOK naman sha....
...heto na! nawala ang hilo ko nung nasaMRT kami sabi nya ihahatid nya na raw ako sa bahay! (kasi pagsinasabi kong sabay kaming umuwi hanggang MCU Caloocan lang. tapos ako sasakay na papuntang Victory Liner sha naman sasakay na ng bus pa valenzuela)
...niyaya pa nya ko kumain sa ChowKing sa MCU kasi nakakahiya naman daw makikain sa amin first time nyang pupunta...
...hayun...hinatid nga ako. nakilala no mama. tapos nung pauwi (sabi nya...) nag-kiss na daw kami at officially KAMI na nga!

mabilis ba?

well, true love nga eh!