Friday, April 06, 2007

dalawang taon na ang nakaraan...

balik tayo sa taong 2004... isa sa pinakamagandang taon ng pagsasama namin. april 2004 nang madiskubre kong nagdadalantao ako. hindi ko maiku kwento ang feeling nung makita ko ang dalawang guhit sa stick na inihian ko... wala kasi akong masabihan nun nagsite si bernardino.

masaya, nakakatakot, nakaka excite, nakakalungkot ang buong siyam na buwan...
masaya - kasi magkaka baby na kami (apat na buwan din kaming nagtry no...!)
nakakatakot - kasi me mga spotting ako. nakakatakot lalu na nung naging bleeding...
nakaka excite - nung manganganak na ko...
nakakalungkot - kasi wala kaming ma share-an mashado ng saya dahil ang family namin nasa Pinas.

December 14 - ang calculated due date ko.
November 30 - sinubukan namin ni bernardino mag "induce" ;-)
December 1 - gabi meron akong "tagas"... mahina eh, parang wee wee na hindi napigil. eh ang sabi nila yung pagputok ng panubigan parang gripo na binuksan. nakaligo pa ako, nakaluto ng hapunan, nakapaghapunan at nakaidlip habang nanonood ng tv si bernardino. pagbangon ko ulit para matulog na ng maayos me "tumagas" ulit. nagdecide na kong tumawag sa OB ko at in-advise na nya kong pumunta ng hospital para ma check... hayun! pagdating namin sa hospital manganganak na nga daw ako... nakakatuwa ang expression ni bernardino nung sinabi sa amin yun... akin na lang kasi di ko ma explain..hehe...



hindi ako mashadong kinabahan nung manganganak na ko. ewan ko kung dahil inaantok lang ako. masarap pala pag me epidural, hindi ka madadalang manganak kasi hindi masakit!

December 2, 2004 - 8:06 am lumabas si Sebastian Daniel, 6lbs 15 ozs, 20" length, 13" head, 11 3/4" chest... (imagine kung paano nagkasha sakin ang 13" head???)


actually, yung sebastian daniel ay napagkasunduan namin a day after na lumabas sha. wala kaming mapagkasunduang pangalan mula ng malaman namin na baby boy meron kami (may nakahanda kasi kaming pangalan sa baby girl lang). pero yung sebastian daniel ang pumasok sa isip ko nung nanganganak na ako...

update: two years old na si sebastian daniel ngayon... matalino at madaldal na bata... marami na kong papuri na natatanggap para sa kanya, mula sa pagiging cute hanggang sa pagiging smart!
:-)

No comments: