pagiisa...
April 6 - Good Friday ng gabi... napansin ko nahihirapan huminga si sebastian... tumawag ako sa kaibigan (kasi last New Year's Eve dinala nila ang baby nila sa ER dahil nahirapan huminga) humingi ako ng advise at comparison kung dapat dalhin ko na si sebastian sa ER... sabi nila dalhin ko na raw...
11:00 PM - bumibyahe na kaming magina sa SR 51 papuntang Phoenix Children's Hospital.
11:33 PM -ini interview na kami ng Triage Nurse.
12:45 AM - pinapasok na kami sa isang room.
1:20 AM - chaka pa lang dumating nag doctor na intern. tinanong pa lang ako "what bring's you here", naiyak na ko...
kasi nakakatakot pala magisa... lalu na kapag may sakit ang baby mo... tapos ang asawa mo nasa malayo... tapos nasa ibang bansa ka at iba ang salita, pakiramdam mo wala ka talagang karamay... tapos ang hirap pa mag explain kasi sa sobrang antok at pagod naba blangko na ang utak mo.
2:00 AM - nakatulog na si sebastian sa ER. na -nebulizer sha at nabigyan ng gamot ng hindi nagigising.
2:45 AM - pumipirma na ako ng release forms at binibigyan na ng instructions kung paano bibigyan ng gamot si sebastian paguwi. may asthma daw...
3:33 AM - lumalabas na kami ng hospital grounds papuntang SR 51 pabalik sa bahay.
haaayyy... ang buhay... nakakatakot magisa...
pero alam ko hindi naman ako nagiisa noong panahon na yun. alam ko kasama ko si God. kaya nakabyahe kami ng maayos kahit pa nga hilo na ko sa antok at pagod at nerbyos... kaya nga umayos naman ang lagay ni sebastian pagkaraan mabigyan ng gamot.
sa ngayon umaayos na ang kondisyon ni sebastian. pero dahil alam kong me hika na nga sha, maga anticipate na ko na hindi ito ang huli naming "pagbisita" sa ER may kasama man o nagiisa...
No comments:
Post a Comment