Showing posts with label bernard. Show all posts
Showing posts with label bernard. Show all posts

Saturday, July 19, 2008

cars...

kahapon, after my OB check-up niyaya ko si dadi bernard maglakad sa Mall para medyo magprogress na ang aking labor (nasa first phase pa rin ako...)

cguro after isang oras pa lang ng lakad namin nakabili na ng dalawang sapatos si dadi (sale naman kasi).

lakad pa... maya-maya merong napasok na bagong store ang aking mag-ama. RIDEMAKERZ ang name ng store (www.ridemakerz.com). kapatid sha ng Build-A-Bear, kaya lang dito ang ginagawa mga kotse (miniature - na not so mini).

nakakaaliw. at talagang naaliw si sebastian. sayang nga wala akong dalang camera na pang capture ng sobrang happy nyang smile... tinulungan pa kasi nya yung salesperson sa pagbuo ng "ride" nya.

paguwi pinaglaruan kaagad. at tipong bagong member ng family kinakausap pa ang bago nyang kotse...














nasa subject na rin naman ng cars...

ang dadi bernard meron ding bagong ride...





pero mabuti pa yung kay bastian full-paid na, yung kay dadi binabayaran pa hehehe...

Monday, February 18, 2008

valentines...

ok, valentines naman...

so from my previous blog hindi na nga kami nakapag dinner sa labas. the afternoon ng Valentine tinawagan ako ni dadi bernard at sabi wag na daw ako magluto at magTaco Bell na lang kami (romantic ba?!?). romantic! kasi alam nyang nagke-crave ako ng taco and it shows i'm in his thoughts... di ba?

when he arrived, sabi nya sha ang magaayos ng dinner... OK for me! pero pinapasok pa nya kami ni sebastian sa bedroom habang naghahanda sha ng "special Taco Bell dinner".

habang nahahanda sha ng dinner (dahil alam ko naman na he wants to make it special) nagbihis ako as-if we will go out...

pagkatok nya at ready na pinagclose eyes pa ko... tapos may background music pa (The Only One by Lionel Richie, yung song namin)... tapos candle light... nakakatuwa!


lalu akong natuwa kasi nakita ko may Valentine gift pa rin sha sakin (kahit medyo mahal na yung anniv gift) tapos (drum roll please...) may Lasagna! --isa pa sa one week ko nang kine crave pero nakakatamarang lutuin hehehe... huwag maliitin ang Lasagna dahil talagang nagsearch pa sha sa internet where to find the BEST LASAGNA around our place... o di ba super special?

ewan ko kung sa tubig lang namin, o sa weather, o sa magiging bagong "addition"... pero napaka romantic ng aking hubby nowadays and i intend to enjoy it while it lasts hehehe...

iLy, Dadi... and thank you very much...

anniversary...

last February 13, five years...
yes, ganun na pala ang years na together kami ni dadi bernard as married couple. pero parang hindi pa ganun ang feeling... although parang nalagpasan na namin ang adjustment period, yung sweetness and sexiness hindi pa...
we still sleep the same way we slept the first time... all points touching. kapag magkaaway lang kami hindi nagta-touch, pero minsan kapag nagtouch na yung paa namin paggising bati na kami...
we still talk like friends... although ngayon may additional "barkada" na kami na nakikidaldal (Sebastian) and does most of the talking...
we still make special occassions, special...

like this anniversary... sana sa labas kami magdi dinner, anniversary/valentine. kaso nagkasakit yung "kabarkada" naming maliit... so nagstay na lang...

pero the morning before na surprise na ako... kasi (being preggy again) i usually, wake up in early mornings to wee-wee. nung dumaan ako ng kitchen para uminom ng tubig, nagulat ako sa nakita kong paper bag! pero mas napansin ko yung letter na nakalitaw... binasa ko agad... and shempre na-touch, i went back to bed and hugged my loving one and only na gumising at naghihintay na sa pagbalik ko... kasi yung paperbag walang laman, nasa kanya hehe... hindi naman ako napahiya kasi hindi ko pa tinitignan yung loob...


yung love letter... short and concise pero nandun lahat yung feelings na hindi nya usually sinasabi (si dadi bernard kasi medyo madalas NR - No Reaction). pero it touched me deeply kasi alam kong it's a little difficult to a man to express his thoughts... pero dyan ako nai-in-love sa hubby ko... he never fails to touch my heart in simple words he puts into writing (kahit for special occassions lang)

i love you dadi... forever...

may gift din naman ako sa kanya at na surprise din sha bago nagpunta sa office... :-)

Wednesday, November 14, 2007

sebastian the bird...

walang magawa ang aking mag-ama...

gusto raw maging bird ni sebastian. pinagbigyan naman ng dadi.
enjoy!

Wednesday, July 11, 2007

hunk...@ the Lake

heto ang hunk ng buhay ko...


buti na lang ako nakahuli neto...


hindi sha perfect. pero perfect sha sa akin...

Tuesday, June 19, 2007

father's day...

father's day naman...

day naman ni dadi-bernardino...

pinagising ko si dadi kay sebastian. pinabigay ko yung gift namin chaka pinabati ko sha ng Happy Father's Day... bait naman ng anak ko, nagkiss pa sa dadi... mukhang natuwa naman si dadi sa gift namin na mini-trophy, swiss knife and card (na may tugtog na Wild Thing).



nagchurch kami. may special blessing sa mga father after ng mass. tapos naglunch kami sa Olive Garden (shempre kasi favorite ng celebrant ay pasta).

tapos sa DSW shoe kami. kasi angtagal na gusto bumili ni dadi ng shoes. ako pa nga ang pumili kasi namamahalan sha, wla naman shang size sa sale items (kasi sobrang lalaki na ng sine sale nilang sizes). nakabili rin...

tapos Mall naman. nagpa gupit ako... hindi si dadi hehe... tapos stroll lang.

hayun... masaya naman...

three years nang daddy si bernardino. hindi ko masasabing wala akong reklamo (kasi marami at madalas nagrereklamo ako sa kanya hehe) pero i can already say i have the best husband and the best father for my kid. nobody is perfect naman, but dadi is perfect for me and sebastian...

we love you dadi...

Friday, April 06, 2007

wedding day(s)...

katulad ng pagiging mag boyfriend namin... dalawa din ang wedding date namin. pero unlike sa pagiging magBF, eto hindi biruan yung una, madalian lang pero seryoso naman. mashado ngang serious si bernardino nung araw na yun, ilang beses ko yata tinanong kung gustong umatras... hindi naman daw.
unang wedding day: February 13, 2003,Office of the Mayor, Obando, Bulacan. Only guests: (Bes)Joanne, Nancy, witnesses: Ninang Emma and Ninong Nemy. matipid yan, ang reception namin sa Max's. pero ang actual ceremony ay February 10. kasi by February 13 lilipad kami pareho ako paSingapore at sha paUSA... (hindi man lang kami nakapagValentines Day as husband and wife...)




pangalawang wedding day: April 8, 2006, St. Francis of Assisi Chapel, Fernwood Gardens. Guests: the whole Mendoza and Oliveros Family, closest friends and additional ninongs and ninangs...












tapos me plus na yan!








... meron na kaming Sebastian Daniel...

ang simula...

May 2000 - nung magkakilala kami ni bernardino mendoza jr. sa keppel communications office sa makati. sa totoo lang... akala ko 'bading' sha! kasi mahinhin kumilos, tapos ang neat, neat pa magdamit (samantalang yung ibang kasama namin naka-shirt lang sha naka long sleeve polo pa!). hindi sha yung tipo ng unang kita ko pa lang ay type ko na. pero sha lang ang naging friendly sakin sa lahat ng nandun. naalala ko pa, sha lang tumabi sakin nung lunch (inalok ko kasi sha ng ulam ko, gusto lang yata nya humingi...?)

August 2000 - simula na ng tagulan! tagaObando ako, tagaValenzuela sha... parehong binabaha. duon nagsimula ang bonding namin... sa kahirapang bumyahe pauwi. mabait pala sha talaga. (hindi naman pala bading kasi me ex-girlfriend shang kinukwento...). mejo nagiging crush ko na sha kasi neat talaga sha at super bango palagi! (parang laging bagong ligo...?). mejo funny din at hindi boring kausap...

September 14, 2000 - lekat! nagkalokohan na! nagka boyfriend ako bigla sa loko-lokohan sa network chat ng opisina... ayaw na bawiin ni bernardino! kami na daw??? -- ganito yun: niloloko kami na ina-under daw nya ko (kasi naman sha ang leader ng team namin nung araw na yun kasi absent si Inong) sa mga binibigay sakin na drawings. sinabihan ko sha sa chat na "ikaw ha, ina under mo ko..." sabi nya" hindi naman, love you nga eh" sagot ko naman "U2" -- hayun na! kami na daw at wala ng bawian!!! lekat talaga!

September 18, 2000 - sabay kami umuwi sabi ko bawian muna... sabi naman nya cge daw. friends na nga muna kami ulit.

September 19, 2000 - tinawagan nya ko, first time sa bahay... magsimba daw kami kinabukasan sa greenbelt. umOK naman ako.

September 20, 2000 - nagMass kami sa greenbelt. sabi ko nung pauwi na kami "tayo na ba?" (kasi magka holding hands yata kami buong misa...?) sabi nya "hindi pa, gusto ko makilala muna mommy mo at mga kapatid.." sa loob ko, makaluma? kasi tagaBatangas? mejo backwards pero romantic! :-)

September 21, 2000 - absent ako kasi gumagawa ng sideline... magdamag pa ring napuyat.

September 22, 2000 - dapat sasama sha sa labas ng "boys" sa opisina. nakiusap ako kung pwede na huwag na sha sumama kasi nahihilo yata ako (remember napuyat ako kahapon refer above...) at sabay na lang kami umuwi. umOK naman sha....
...heto na! nawala ang hilo ko nung nasaMRT kami sabi nya ihahatid nya na raw ako sa bahay! (kasi pagsinasabi kong sabay kaming umuwi hanggang MCU Caloocan lang. tapos ako sasakay na papuntang Victory Liner sha naman sasakay na ng bus pa valenzuela)
...niyaya pa nya ko kumain sa ChowKing sa MCU kasi nakakahiya naman daw makikain sa amin first time nyang pupunta...
...hayun...hinatid nga ako. nakilala no mama. tapos nung pauwi (sabi nya...) nag-kiss na daw kami at officially KAMI na nga!

mabilis ba?

well, true love nga eh!