Showing posts with label mommyset. Show all posts
Showing posts with label mommyset. Show all posts

Tuesday, July 15, 2008

38 weeks... and still counting...

yup! 38 weeks na akong buntis. well, ang due date naman ay binibilang nila hanggang 40 weeks pero at 37 considered ang full-term ang baby sa loob at pwede nang lumabas. si sebastian ay lumabas ng 38 weeks & 5 days, so i'm hoping na hindi naman makipag kumpetensiya etong nasa loob ko at maisipang "ay ako mas matagal sa loob ni mommy!" at magbabad pa...

handang-handa na ako, kami na makita manganak. ako sa part na gumaan-gaan man lang ang dalahin dahil sobra talaga ang nilaki ko ngayong pagbubuntis na ito. imagine na weight gain ko ay 29 lbs.! nasa normal range pa naman kaya lang hindi sa normal weight na sanay ang katawan ko na buhatin...

at saka sa sobrang laki ng tiyan ko ngayon, ang hirap na talagang kumilos... yung pagong nga nasa likod pa yung dala nya ang bagal-bagal na gumalaw, imagine kapag nasa harap yung load???

tapos itong magaling kong asawa lagi akong pinapanood maglakad. nakakatawa daw ako tignan, kasi "parang" nauuna palagi yung tiyan ko... eh ano bang mauuna??? de yung nakaumbok! at sige na, talagang mukhang penguin o bibe ako maglakad, kasi masakit na yung po yung balakang ko at kung anu-anu pa doon...

pero lahat ito tinitiis nang isang gustong maging ina (na hindi nararanasan ng mga gustong maging ama!) mula sa paglilihi, sa pagbabago ng katawan, ng emosyon at kung anu-ano pa...

ok na, handa na...

Sunday, June 22, 2008

baby shower...

june 21, 2008 - kahapon... binigyan ako ni dadi bernard ng SURPRISE baby shower...

as-in na surprise talaga ako!

rewind -- a few days from yesterday, kinukulit ko na si dadi... sabi ko ayaw ko na magbaby ulit. since i think this will be my last pregnancy gusto ko naman makaranas magka baby shower. kasi kay sebastian noon wala naman kaming mashadong friends sa Louisiana (and yung kasama namin duon boys lahat -- so baka hindi maka relate...)

sabi ko pa, dito marami akong girl friends(6 sila -- dami no? :-D). pero hindi ko inaasahan na merong magbibigay ng baby shower sa akin sa isa sa kanila kasi hindi naman sila halos magkakakilala... (ang hirap naman yata mag organize kung hindi mo naman alam kung sinu-sino ang iinvite mo???) kaya si dadi lang talaga ang "friend" ko na common sa kanilang lahat na pwedeng mag organize.

sabi naman ng mahal kong asawa... ayaw nya talaga mag entertain... kesyo ninenerbyos daw sha mag invite at marami pang ayaw...

in-short, bumigay na ang hopes ko na bibigyan nya ako ng baby shower.

at talagang na-exploit ni dadi ang pagiging buntis ko! less suspicious (or just absent-minded), not paying attention to detail (or just absent-minded) and just really -> absent minded!!!

kahapon... meron akong OB-GYN appointment (11am) at may school si sebastian(9:30-11:30am). hinatid ko muna si sebastian sa school... dahil meron kaming Wii night iniwan ko na lang si dadi para maglinis ng bahay. pagbalik ko around 10am malinis naman na ang bahay kaya ayaw ko pang umalis at pumunta sa doctor, pero minamadali na nya ako. maghintay na lang daw ako sa clinic. naghinala ako!(suspicious pa rin pala :-D) "cguro gagala ka no? magsha-shopping ka magisa no?" sabi ko... "sumaglit na lang tayo sa Walmart" sabi ko pa, para nga makapag kill-time ako... ayaw talaga... hinatid ako sa clinic... sa loob-loob ko, cge na nga, mag shopping ka na. saglit lang naman na time susunduin na nya si sebastian. wala naman cguro mashadong mabibili...

so naghintay ako ng matagal sa clinic. after check-up sinundo na nila ako ni sebastian. nagulat ako nagyaya pa sa Walmart. nagtanong ako kung hindi pa ba sha gutom? hindi pa raw at anyway, on the way naman. pag dating sa Walmart, ilang minutes pa lang minamadali na ako... bigla daw shang nahilo... sabi ko "akala ko ba hindi ka pa naman nagugutom???" kanina raw yun... so nagmadali naman ako.

pagdating ng apartment parking, nagtaka ako dahil ang kotse ng isang friend namin (sina mike & shirley) naka park malapit sa unit namin (malapit lang unit nila pwedeng lakarin)... nagsabi ako, "baka nasa bahay?" (pero grabeh!!! wala talaga akong idea bakit sila pupunta sa bahay? merong ipapagawa? napaaga ba ang Wii night??? -- dense!) kunwari tinawagan ni dadi -- nasa Walgreens daw sila??? which is nakakapagtaka bakit hindi pa sila nagdrive hanggang dun??? ok, trip lang pala nila maglakad (as-in tinanggap ng utak ko yun??? - wala DENSE talaga!)

nauna ako pumasok ng bahay -- at nagulat sa dami ng slippers na nasa makapasok ng pinto... after nila sumigaw ng SURPRISE! chaka ko lang napansin merong decor ang bahay at meron palang mga tao sa loob apartment namin!!! :-D

shocked! yan talaga ako... dahil na pull-out ni dadi ang the best surprise ever!!!

thanks dadi... i'm so happy...

and thanks so much sa mga pumunta....

sa mga hindi nakarating, thanks din! accept ko naman na valid ang reasons nyo hehehe...

Thursday, June 19, 2008

34 weeks...

yes! i'm on my 34th week of pregnancy(4-5 weeks to go).... still getting bigger and heavier! (can you imagine me having a 42-43 inch of waist and 136 lbs??? HUH!)

right now, all seems to be in a rush...

i want to ready everything before i give birth. i don't want to have a load of backlogs after this little new man comes out... but to no luck at all, i think i will be in deep, deep trouble...

i still have papers to file (and shred), magazines to compile, photos to BLURB, videos to make...

and then the baby things to prepare, hospital bags to get ready...

and the all dreary things of everyday living -- budgeting, cleaning, cooking, laundry, ironing and taking care of my 2 boys (the dad and the kuya)...

but i don't force myself... i just beat myself up on my mind for not being able to perform these tasks as i want them. sorry for me, the weight really takes a toll on me and i feel tired more. i just hope there will be more "bursts of energy" to come my way...

Wednesday, May 21, 2008

Mother's Day...

May 11, 2008 - Mother's Day...

we planned nothing so special...


after mag church sabi lang ni Dadi Bernard sa labas daw kami kakain. OK...


hindi pa nga kami maka decide kung saan kakain... una suggest ko Applebees... eh medyo ma-ambon that day, sabi nya Cheesecake Factory na lang kasi nasa Mall... OK...



Hala! pagdating sa Cheesecake Factory, puno! ang wait time daw ay 45-60 mins! SUSME! eh bandang 2pm na kaya yon... pero sabi nga namin sa isa't-isa, siguro it's worth the wait. kasi yung iba nasabihan pa ng 6o mins to 1 and a half hour wait pero kinukuha pa rin nila...



so wait kami...



lumagpas lang naman ng 10-15 mins sa 1 hour nagvibrate na yung aming hawak na paging gadget...



pagupo namin sa table, naka order agad kami. kasi nakabisado na namin yung menu habang naghihintay... si Sebastian nga, hindi na mashadong naka enjoy ng lunch, hanggang appetizer lang bumigay na sa antok...



pero tama kami... it's worth the wait. masarap pala ang food sa Cheesecake Factory. puro SARAP! ang nasabi ko habang kumakain kami. sana lang magkaroon sila ng weekend na hindi na maghihintay ng more than 30mins...



YUM! YUM!

Wednesday, November 14, 2007

ninang...

yes! mabenta ang beauty ko ngayong taon...

dalawang beses na akong nakuhang ninang...

una kay Ian Alaraz ~ second son sha ni Irza (high school friend ni dadi bernard) and Aries.

second time ay kay Jericho Ivan Agoncillo ~ second son din ng mga bago naming friends dito sa Illinois na sina Raquel at Wilson.

ako, personally ay natutuwang makuhang ninang. i take it seriously.
sa ngayon nga lang napapabayaan ko ang mga inaanak ko sa Pinas mula nung matigil kami dito sa US. at yung iba matagal ko na talagang hindi nakikita kasi sa malalayong probinsya na rin sa pilipinas sila naninirahan.

heto ang mga inaanak ko: Apple, Dennis, Ahmed, Floyd, Alyster, Jorel, Nadine, Nigel, Ian and Jericho

sana wala akong nakalimutan... hehehe... kung wala dito ang anak nyo at ninang pala ako paki sabi... cguro kasi hindi ako naka attend ng binyag at hindi ko alam na nilista akong ninang...

Tuesday, October 16, 2007

one fine day...

habang hindi pa mashadong lumalamig dito sa Illinois, sinasamantala namin ni sebastian ang outdoors. kasi sabi nilang mga nauna dito, kapag nag snow storm daw at least a week kang hindi makakalabas...

maganda sa bago naming apartment. apat ang parks na walking-distance lang. yung isa yung pinuntahan na naming may farm animals, yung dalawa ay playground, at itong isa ay ang tinatawag nilang Praire Arts Center.

birthday ko...

happy birthday to me (last Sept 5 pa...) 32 na ako.

masaya naman... hindi ako nagluto ng hapunan dahil gusto kong kumain sa labas!

late na nga kami nakaalis kasi nanood pa si dadi ng US Open.


ano bang masaya sa pagiging 32?

ako, sa ngayon ay napakasaya naman... healthy kaming pamilya.

lahat naman halos ng dinadasal namin ay natutupad... (mga 3 na lang sa dasal ko ang hindi pa binibigay pero masaya parin! heheh)


accomplishments at 32?

hmmm... kung hindi kinukunsidera ng ibang tao na accomplishment ang pagiging maybahay... de wala akong naa-accomplish sa kulang 4 na taon na... pero sa mga taong pumupuri sa mga ilaw ng tahanan... Salamat!