Tuesday, July 15, 2008

38 weeks... and still counting...

yup! 38 weeks na akong buntis. well, ang due date naman ay binibilang nila hanggang 40 weeks pero at 37 considered ang full-term ang baby sa loob at pwede nang lumabas. si sebastian ay lumabas ng 38 weeks & 5 days, so i'm hoping na hindi naman makipag kumpetensiya etong nasa loob ko at maisipang "ay ako mas matagal sa loob ni mommy!" at magbabad pa...

handang-handa na ako, kami na makita manganak. ako sa part na gumaan-gaan man lang ang dalahin dahil sobra talaga ang nilaki ko ngayong pagbubuntis na ito. imagine na weight gain ko ay 29 lbs.! nasa normal range pa naman kaya lang hindi sa normal weight na sanay ang katawan ko na buhatin...

at saka sa sobrang laki ng tiyan ko ngayon, ang hirap na talagang kumilos... yung pagong nga nasa likod pa yung dala nya ang bagal-bagal na gumalaw, imagine kapag nasa harap yung load???

tapos itong magaling kong asawa lagi akong pinapanood maglakad. nakakatawa daw ako tignan, kasi "parang" nauuna palagi yung tiyan ko... eh ano bang mauuna??? de yung nakaumbok! at sige na, talagang mukhang penguin o bibe ako maglakad, kasi masakit na yung po yung balakang ko at kung anu-anu pa doon...

pero lahat ito tinitiis nang isang gustong maging ina (na hindi nararanasan ng mga gustong maging ama!) mula sa paglilihi, sa pagbabago ng katawan, ng emosyon at kung anu-ano pa...

ok na, handa na...

No comments: