miss universe...
bata pa ako, nasundan ko na manood ng Miss Universe pageant.
cguro kasi may aim din ako nuon sumali (nung bata pa ako... :-D). pero nung nagdalaga na ako, nakasali na sa iba't ibang competition nalaman kong hindi ako pang beauty pageant (hehehe).
nakakatuwa yung last Miss Universe (2007). hindi ko napanood ang entirety ng program dahil palipat-lipat sa Tennis Channel si bernardino... lalu na nung hindi man lang nasama ang Philippines sa 15 semi-finalists. bakit nga ba hindi na naman tayo nasama? mula nung nakasama si Miriam Quiambao wala ng napapansing Miss Philippines sa Miss Universe pageant... sadya bang hindi kapansin pansin ang ganda ng Pinay? sabagay mula pa naman noon bihira na tayong makasama... pero ang hindi natin maitatanggi... ang pagkapanalo ng Miss Philippines sa Miss Photogenic! for the nth time!
ano ba yun? kilala ang Pilipinas sa World Wide Web? o napakaraming Pilipino ang may access dito?
hindi naman ako bitter na Miss Photogenic lang ang nakuha natin... kaya lang lagi na lang bang iyon? kung napapansin tayo sa WWW, bakit hindi sa mismong pageant?
ayun lang...
No comments:
Post a Comment