bukod...
last night, first time natulog si sebastian sa bukod na bedroom.
dito kasi sa bagong apartment namin magkatabi ang master's bedroom at second bedroom (unlike, last time sa phoenix na tatawid pa ng living and dining room). kaya sinubok namin i-setup ang toddler bed ni sebastian sa kabilang room hoping na papayag sha na doon matulog.
successful naman.
9:30PM - nilinisan na sha ni dadi sinuotan ng pajama.
10:00PM - binigyan ko na ng milk. after ng milk dapat mato toothbrush pa sha...ayaw. cge, pagbigyan at baka ma bad mood pa...
10:15PM - sabi ko pray na. sabi nya "brother Jesus in the other room" meaning wala shang pagdadasalan. hindi ko kasi sha na setup-an ng altar sa bedroom nya. sabi ko na lang "brother Jesus can hear you anywhere." pumayag naman, so nag pray na. kiss and goodnight na. exit na si mommy.
10:35PM - tulog na!
11:00PM - ako ang hindi pa makatulog... nung narinig ko shang umuubo inayusan ko pa ng vaporizer at air purifier.
11:45PM - nung nakumbinsi ko na ang sarili kong makatulog.
4:33AM - nagising ako, narinig ko humihingi sha ng milk. pagtayo ko nasa labas na sha ng room at nasa hallway. nagleak na pala ang diaper nya at nagpapa palit. mabuti na lang tumayo sa bed nya, hindi nabasa (ang galing talaga ng anak ko!)
(hindi ko lang nai blog, nagto toilet training na si sebastian. kaya lang depende pa sa mood nya. pag busy sha sa paglalaro o panonood ng tv wala rin, napupuno din ang diaper. o kaya bago magsabi naka wiwi na sha heheh...)
4:45AM - bumalik na ko ng bed.
5:00AM - me aninong naglalakad papalapit sa kama namin... parang penguin, maliliit na mabilis na hakbang (hehehe). hindi ko pinapansin. kunyari tulog ako. tumigil sa tabi ko, tinititigan ako kung gising ako. tapos hindi na umalis sa tabi ko...
5:18AM - naalimpungatan si dadi, niyaya na sa tabi namin si sebastian.
5:30AM - tumunog na ang alarm ni dadi... hindi na rin natulog si sebastian...
habang nagaayos si dadi para pumasok sa office nanood na si sebastian ng tv hanggang magising ako ng before 7:00AM.
maiksi lang itinulog nya... pero pwede na rin. sana ngayong gabi pumayag ulit sha at magtuloy-tuloy na...
No comments:
Post a Comment