Monday, July 28, 2008

nakaraos din...

pagkatapos maghintay ng konti lang at mainip... napag desisyunan na namin ni dadi bernard na magpapa induce na ako. bukod kasi sa hirap na ako magdalangtao (as in tao na talaga yung dala ko no?) natatakot pa akong baka mashadong lumaki ang baby sa loob eh hindi ko pa makaya ang normal (vagi) delivery at ma C-Section pa ako.

ang due date ko dapat ay July 28, Monday... yun sana ang date na gusto ni dadi bernard na magpa induce ako. eh sabi ng OB ko July 25 na lang daw. so...

July 25, 2008 - induction of labor day.

5:30 am - hinatid namin si sebastian sa apartment ng friends namin na sina Mike & Shirley. buti na lang meron kaming mabubuting kaibigan na pwedeng maistorbo dito ngayon (pwede nyo rin kami istorbohin in return hehehe)

6:00 am - nasa hospital na kami, sa Alexian Brothers Medical Center, sa Elk Grove Village, Illinois

6:30 am - nilagyan na ako ng IV. lahat yata ng nanganganak dito sunusweruhan para hindi madehydrate. kasi bawal naman kumain o uminom. ice chips lang pwede chaka sips of water.

7:00 am - inumpisahan na akong lagyan ng pitocin, drugs na pampa-induce ng labor.

8:00 am - medyo lumalakas na contractions ko pero kaya pa... nakakangiti pa ko. kwentuhan pa kami ni dadi bernard. tapos nami-miss ko na si sebastian. pinapatawagan ko nga ayaw lang ni dadi....

9:15 am - inaalok ako ng nurse ko na lalagyan na nya ako ng special IV para sa Epidural (pinakamagandang anesthesia na naimbento ng tao). kaso nung chineck nya ang progress ng dilation ko (pagbuka) nasa 4 cm pa lang... eh ayaw kong magpa-epidural hanggang wala pang 5 cm at least dahil nababasa at napapanood ko na nakaka-slow down or even stop daw ng labor kapag maagang nagpa-epi...

eh kasi daw yung anesthesiologist nila merong sked ng C-Section for 10-11am. sabi ko cguro makakaya ko pa...

10:00 am - hmmm.... masakit na ang mga contractions...

10:30 am - huhuhu... talagang masakit na!!! umiiyak na ko kay dadi... pero cge, sa isip ko 30 minutes na lang naman dadating na ang anesthesiologist...

11:00 am - OH NO!!! wala pa daw, hindi pa tapos! hala! talagang nilalambitinan ko na si dadi bernard kapag sumasakit... gusto ko na nga mag "push" pero hindi pa pwede... i-blow daw! long breath-in then short blow-outs... cge subukan...

11:30 am - Haleluyah! dumating na ang anesthesiologist... nagpasalamat talaga ko sa awa ni God!
sa sobrang pagod nakaidlip ako kahit merong chills (side effect ng epi, mangangatog involuntarily buong katawan mo kahit pa mainit ang pakiramdam ng muscles mo from waist to thighs)

1:00 pm - chineck ulit ang dilation... COMPLETE na daw! ok, we're ready to have this baby!

kaya lang medyo malakas ang epidural hindi ko pa mashado ramdam ang pag ire... pinahinaan ng kalahati lang...

1:30 pm - ready na rin ako... GAME!

every time na merong contraction - cleansing breath then blow, then breathe-in and hold then PUSH in ten seconds count, then breathe-in and PUSH in ten second then breathe-in then push in ten seconds then blow-out... sa mga hindi pa nakaka experience neto try nyo at ng malaman nyo kung gaano nakakapagod maglabas ng bata sa mundo! naiinis pa nga ako kay dadi, para naman daw akong hindi nagpu-push! sha kasi mas malakas pa sound ng pag-ire nya kesa sakin hehehe....

mga ilang minutes pa ng pushing inalok ako kung gusto ko makita (crowning na kasi ang baby, lalabas na...) sa loob ko, cge na nga at ayoko na umulit magbuntis, baka huli na 'to titignan ko na (kay sebastian kasi inayawan ko kasi baka kako madistract lang ako - chaka first time yun medyo natatakot pa ko).

ok, hinarap ang salamin! oo nga! hayun na, nakabungad na!

i'm glad nag decide akong tignan kasi mas naka motivate mag push. parang weird din kasi para akong nanonood ng tv ng nanganganak pero participant din as well...

cge PUSH PA!!!

tapos hayan na, lumabas na ang ulo, HOLD, suction sa ilong, bibig, tapos meron palang nakaikot na cord tinanggal... tapos konting push pa... hayun labas na lahat!!!

welcome baby! Matthew Benjamin. 6lbs 7oz, 19 inches, 11 inches head circumference... yup 11 inches yung opening na nakita at kinaya ko!

2:15 pm ang tingin ko sa wall clock pero in-announce na pala ng doctor ko na time ay 2:12pm.

update: nakauwi na kami last sunday. malakas na ako, malakas na rin dumede si Matthew.


ang mga oras ay approximation lamang. yung bago yata ako todong sinakitan ay dahil pinutok na ang aking bag of water.

before the induction starts...

medyo gutom na si dadi, kasi hindi nakapag breakfast.

nakakangiti pa sa ibabaw ng birthing ball...

huhuhu... hindi ko na kaya dadi!!!

nawala na lahat ng sakit... sabagay meron palang epidural hehehe.

meet Matthew Benjamin Oliveros-Mendoza

sinundo na si Kuya Bastian. super excited ibigay ang gift nya kay baby brother.

checking-out baby brother...

meron ding gift si baby brother kay Kuya.

si Mommy naman ang binisita ni Kuya Bastian.
dadi on diaper duty... again.
dadi's time to bond with baby.
kuya's time to bond with baby brother.
apat na kami... and we're complete!

2 comments:

GARET said...

congrats! kamukha ulit ni Bernard... :)

apee said...

ay sus kamukha na naman ni bernard! hehe! at parang ang saya saya ni sebastian! congrats again! kelan ang binyagan? pwede sa sweden? hehe.