cooking...
sabi nila kapag malapit ng manganak nagkaka "burst of energy" ang mommy-to-be...
nung isang isang araw cguro merong akong "burst" kaya nakaluto ako ng marami na parang meron akong bakery, hehehe
heto ang mga naluto ko from 6-11pm (5 hrs)
una dahil gusto kong kumain ng halu-halo, gumawa ako ng leche flan
habang nakasalang sa oven ang leche flan, nagmatamis ako ng saging na saba (para pa rin sa halu-halo yan)
tapos dahil malapit na nga akong manganak, gumawa ako ng extra ulam na pwedeng i-freezer... meatballs
tapos habang nakasalang ang meatballs ginawa ko naman ang cupcakes. kasi humihiling si sebastian ng cake paminsan-minsan...
kung mapapansin nyo merong topping yung aking cupcakes & cakes, iyon ay ang Meringue na last kong sinalang (yung iba sa cupcake yung iba meringue lang talaga) shempre kapag me leche flan maraming nasasayang na egg whites. eh ngayon lang pwedeng gumawa ng meringue dito sa Illinois dahil summer na at hindi umuulan nung araw na yun, medyo hindi na humid. Unlike nung nasa Arizona kami, all year round nakakagawa ako ng meringue kasi napa dry...
hayan.... mukha bang masarap??? masarap talaga yan!
kung gusto nyong um-order (hehehe) pagkapanganak ko na lang... :-D
2 comments:
wow! mukhang masarap nga! dapat pala palagi kang malapit na manganak, para madami naluluto in a day! hehehehe.
musta kay bernardino!
hehehe... pagakatapos naman nyan magahapon ako natulog parang sobrang na drain...
last time nagka"burst" ako natapos ko naman plantsahin ko na natambak mula nung nagbuntis ako hehe...
Post a Comment