ligpit...hakot...lipat...
hay naku buhay! heto magliligpit na naman...
hahakot na naman...
lilipat na naman... second time for this year (2007). pero ang totoo me mini lipat pa... kasi temporarily magi-stay pa kami sa hotel for a few days kasi wala pa kaming nakukuhang lilipatang apartment.
ganito yan...
Sep 2003 - dumating kami ni bernardino sa Orlando, Florida. dalawang maleta ang dala namin. tig-isa kami laman ang gamit ilang alala ng Pinas.
naghahanap na sana kami ng apartment (na kami ang magbabayad). pero nung tinanong kami kung gusto namin sa Louisiana GO kami kasi makakalibre kami ng bahay... heheh
November 2003 - fly kami sa New Orleans, Louisiana dala ang dalawa naming maleta plus one kasi me pinadala sa aming mga gamit sa trabaho. Pero sa Kenner, kami nagtagal, sa hotel for more than a year... doon nabuo si sebastian daniel... :-)
September 2004 - nung mag decide kaming humanap na ng apartment. kasi malapit na kong manganak, crib at stroller pa lang hindi na kami makagalaw sa studio room ng hotel. so, lipat na naman... by this time meron na kaming mini van kaya me panghakot na kami ng dalawang maleta at ilang gamit ni baby (sebastian daniel)
April 2005 - nang mapagdisisyunan nang aking asawa na gusto nyang lumipat ng kumpanya, at akong maybahay ay sumuporta naman. ang bagong kumpanya na lilipatan ay nasa Pennsylvania. by this time medyo madami dami na kaming gamit (ang nagagawa ng naga-apartment...) pero walang malalaki dahil nag rent lang kami (ina-anticipate talaga namin ang mga paglilipat na to...). puno ang mini van namin as in hindi na gumamit ng rear view mirror si bernardino.
ang byahe namin mula Louisiana to Pennsylvania = two days and a half... almost three. hindi na namin in-option lumipad kasi may sasakyan na kami. mahal magpa-move ng sasakyan kaya LONG DRIVE na lang kami... nakakaloka! kasi me kasama kaming 4 month old na sanggol. pero adventure!
May 2005 - hindi naging maganda ang pagtanggap sa aking asawa sa bagong kumpanya tinanggal at nakalipat naman siya sa iba. HAY! ang assignment sa ibang lugar na naman! sa Phoenix, Arizona muna daw kami kasi magti training muna si bernardino.
LONG DRIVE ulit Pennsylvania to Arizona = 5 days... para makagamit naman sha ng rear view mirror bumili kami ng THULE para me cargo kami sa bubong ng mini van.
two weeks lang yata kami sa Phoenix pinapunta kami sa Las Vegas, Nevada. doon na daw ang talagang assignment. SHORT DRIVE lang Arizona to Nevada = 5 hours (maning mani... ;-))
June 2005 - sabi sa amin sa Phoenix daw pala ang magiging base namin at hindi Las Vegas! ANUBAYAN??? to make it short... SHORT DRIVE ulit = 5 hours balik sa Phoenix.
ligpit... hakot... lipat na naman for pang ilang beses na? ANIM?
September 2005 - mahirap tumira sa hotel... anyway, baka magtatagal naman daw kaya naghanap kami ng apartment dito sa Phoenix at naglipat ulit.
tumagal naman kami.... pero hindi ganun katagal...
February 2007 - medyo mahina ang project (as in wala) dito sa Phoenix. kinailangang ipadala ang aking asawa sa Indonesia. at kinailangang lumipat kami ng apartment dahil kami na naman ang magbabayad (shempre magtitipid heheh).
Present day... heto naglilipit na naman at maghahakot at maglilipat...
masaya, malungkot, pressure, exciting...
masaya - may bagong lugar na namang makikita at mae-experience...
malungkot - dahil ang mga kaibigan ay maiiwan na naman...
pressure - magligpit! (need i say more?)
exciting - ...