Monday, July 28, 2008

nakaraos din...

pagkatapos maghintay ng konti lang at mainip... napag desisyunan na namin ni dadi bernard na magpapa induce na ako. bukod kasi sa hirap na ako magdalangtao (as in tao na talaga yung dala ko no?) natatakot pa akong baka mashadong lumaki ang baby sa loob eh hindi ko pa makaya ang normal (vagi) delivery at ma C-Section pa ako.

ang due date ko dapat ay July 28, Monday... yun sana ang date na gusto ni dadi bernard na magpa induce ako. eh sabi ng OB ko July 25 na lang daw. so...

July 25, 2008 - induction of labor day.

5:30 am - hinatid namin si sebastian sa apartment ng friends namin na sina Mike & Shirley. buti na lang meron kaming mabubuting kaibigan na pwedeng maistorbo dito ngayon (pwede nyo rin kami istorbohin in return hehehe)

6:00 am - nasa hospital na kami, sa Alexian Brothers Medical Center, sa Elk Grove Village, Illinois

6:30 am - nilagyan na ako ng IV. lahat yata ng nanganganak dito sunusweruhan para hindi madehydrate. kasi bawal naman kumain o uminom. ice chips lang pwede chaka sips of water.

7:00 am - inumpisahan na akong lagyan ng pitocin, drugs na pampa-induce ng labor.

8:00 am - medyo lumalakas na contractions ko pero kaya pa... nakakangiti pa ko. kwentuhan pa kami ni dadi bernard. tapos nami-miss ko na si sebastian. pinapatawagan ko nga ayaw lang ni dadi....

9:15 am - inaalok ako ng nurse ko na lalagyan na nya ako ng special IV para sa Epidural (pinakamagandang anesthesia na naimbento ng tao). kaso nung chineck nya ang progress ng dilation ko (pagbuka) nasa 4 cm pa lang... eh ayaw kong magpa-epidural hanggang wala pang 5 cm at least dahil nababasa at napapanood ko na nakaka-slow down or even stop daw ng labor kapag maagang nagpa-epi...

eh kasi daw yung anesthesiologist nila merong sked ng C-Section for 10-11am. sabi ko cguro makakaya ko pa...

10:00 am - hmmm.... masakit na ang mga contractions...

10:30 am - huhuhu... talagang masakit na!!! umiiyak na ko kay dadi... pero cge, sa isip ko 30 minutes na lang naman dadating na ang anesthesiologist...

11:00 am - OH NO!!! wala pa daw, hindi pa tapos! hala! talagang nilalambitinan ko na si dadi bernard kapag sumasakit... gusto ko na nga mag "push" pero hindi pa pwede... i-blow daw! long breath-in then short blow-outs... cge subukan...

11:30 am - Haleluyah! dumating na ang anesthesiologist... nagpasalamat talaga ko sa awa ni God!
sa sobrang pagod nakaidlip ako kahit merong chills (side effect ng epi, mangangatog involuntarily buong katawan mo kahit pa mainit ang pakiramdam ng muscles mo from waist to thighs)

1:00 pm - chineck ulit ang dilation... COMPLETE na daw! ok, we're ready to have this baby!

kaya lang medyo malakas ang epidural hindi ko pa mashado ramdam ang pag ire... pinahinaan ng kalahati lang...

1:30 pm - ready na rin ako... GAME!

every time na merong contraction - cleansing breath then blow, then breathe-in and hold then PUSH in ten seconds count, then breathe-in and PUSH in ten second then breathe-in then push in ten seconds then blow-out... sa mga hindi pa nakaka experience neto try nyo at ng malaman nyo kung gaano nakakapagod maglabas ng bata sa mundo! naiinis pa nga ako kay dadi, para naman daw akong hindi nagpu-push! sha kasi mas malakas pa sound ng pag-ire nya kesa sakin hehehe....

mga ilang minutes pa ng pushing inalok ako kung gusto ko makita (crowning na kasi ang baby, lalabas na...) sa loob ko, cge na nga at ayoko na umulit magbuntis, baka huli na 'to titignan ko na (kay sebastian kasi inayawan ko kasi baka kako madistract lang ako - chaka first time yun medyo natatakot pa ko).

ok, hinarap ang salamin! oo nga! hayun na, nakabungad na!

i'm glad nag decide akong tignan kasi mas naka motivate mag push. parang weird din kasi para akong nanonood ng tv ng nanganganak pero participant din as well...

cge PUSH PA!!!

tapos hayan na, lumabas na ang ulo, HOLD, suction sa ilong, bibig, tapos meron palang nakaikot na cord tinanggal... tapos konting push pa... hayun labas na lahat!!!

welcome baby! Matthew Benjamin. 6lbs 7oz, 19 inches, 11 inches head circumference... yup 11 inches yung opening na nakita at kinaya ko!

2:15 pm ang tingin ko sa wall clock pero in-announce na pala ng doctor ko na time ay 2:12pm.

update: nakauwi na kami last sunday. malakas na ako, malakas na rin dumede si Matthew.


ang mga oras ay approximation lamang. yung bago yata ako todong sinakitan ay dahil pinutok na ang aking bag of water.

before the induction starts...

medyo gutom na si dadi, kasi hindi nakapag breakfast.

nakakangiti pa sa ibabaw ng birthing ball...

huhuhu... hindi ko na kaya dadi!!!

nawala na lahat ng sakit... sabagay meron palang epidural hehehe.

meet Matthew Benjamin Oliveros-Mendoza

sinundo na si Kuya Bastian. super excited ibigay ang gift nya kay baby brother.

checking-out baby brother...

meron ding gift si baby brother kay Kuya.

si Mommy naman ang binisita ni Kuya Bastian.
dadi on diaper duty... again.
dadi's time to bond with baby.
kuya's time to bond with baby brother.
apat na kami... and we're complete!

Monday, July 21, 2008

39 weeks...

ngayong araw na ito, July 21, 2008, monday ay 39 weeks na ako...

akala ko nung saturday lalabas na. nag regular na ang contractions (kahit nagla-last lang ng 20 seconds) pero tumigil, nawala... haaayyyy, gusto pa ni baby sa loob...

hindi ko matantiya kung kelan kaya ako tatawag sa doctor ko. kasi naman kay sebastian hindi ko naranasan maglabor na nauna ang contractions. nauna ang high-leak kay sebastian kaya ako in-admit at in-induce...

haaayyyy, kelan kaya balak lumabas neto?

Saturday, July 19, 2008

cars...

kahapon, after my OB check-up niyaya ko si dadi bernard maglakad sa Mall para medyo magprogress na ang aking labor (nasa first phase pa rin ako...)

cguro after isang oras pa lang ng lakad namin nakabili na ng dalawang sapatos si dadi (sale naman kasi).

lakad pa... maya-maya merong napasok na bagong store ang aking mag-ama. RIDEMAKERZ ang name ng store (www.ridemakerz.com). kapatid sha ng Build-A-Bear, kaya lang dito ang ginagawa mga kotse (miniature - na not so mini).

nakakaaliw. at talagang naaliw si sebastian. sayang nga wala akong dalang camera na pang capture ng sobrang happy nyang smile... tinulungan pa kasi nya yung salesperson sa pagbuo ng "ride" nya.

paguwi pinaglaruan kaagad. at tipong bagong member ng family kinakausap pa ang bago nyang kotse...














nasa subject na rin naman ng cars...

ang dadi bernard meron ding bagong ride...





pero mabuti pa yung kay bastian full-paid na, yung kay dadi binabayaran pa hehehe...

Thursday, July 17, 2008

cooking...

sabi nila kapag malapit ng manganak nagkaka "burst of energy" ang mommy-to-be...

nung isang isang araw cguro merong akong "burst" kaya nakaluto ako ng marami na parang meron akong bakery, hehehe

heto ang mga naluto ko from 6-11pm (5 hrs)

una dahil gusto kong kumain ng halu-halo, gumawa ako ng leche flan


habang nakasalang sa oven ang leche flan, nagmatamis ako ng saging na saba (para pa rin sa halu-halo yan)


tapos dahil malapit na nga akong manganak, gumawa ako ng extra ulam na pwedeng i-freezer... meatballs


tapos habang nakasalang ang meatballs ginawa ko naman ang cupcakes. kasi humihiling si sebastian ng cake paminsan-minsan...





kung mapapansin nyo merong topping yung aking cupcakes & cakes, iyon ay ang Meringue na last kong sinalang (yung iba sa cupcake yung iba meringue lang talaga) shempre kapag me leche flan maraming nasasayang na egg whites. eh ngayon lang pwedeng gumawa ng meringue dito sa Illinois dahil summer na at hindi umuulan nung araw na yun, medyo hindi na humid. Unlike nung nasa Arizona kami, all year round nakakagawa ako ng meringue kasi napa dry...


hayan.... mukha bang masarap??? masarap talaga yan!

kung gusto nyong um-order (hehehe) pagkapanganak ko na lang... :-D

Tuesday, July 15, 2008

baby shower album...

baby shower album post at Multiply.com

http://maryset.multiply.com/photos/album/33#

4th of July...

4th of July 2008, Friday

ang balak sana namin mamamasyal sa Navy Pier... kaso nagkasakit na naman si sebastian. akala nga namin magagaya na naman sa Labor Day weekend na nauwi sa pagkaka-confine niya. pero just the same ku-Long Weekend na naman ang nangyari.

dapat meron kaming pupuntahang birthday party tapos derecho ng Navy Pier para manood ng fireworks. sa sobrang sama ng pakiramdam ni sebastian, sha na ang umayaw lumabas at sa TV na lang daw sha manonood ng fireworks.

buti na lang (Thank God) by Saturday night nawalan na sha ng lagnat...

hay naku! ayoko na yatang magkakaroon ng long weekend kung Ku-long lang naman kami dahil magkakasakit na naman si sebastian...

before 4th of July...

July 2, 2008 - Wednesday. sumama kami ni sebastian kay dadi bernard sa mga site nya. kasi kailangan ko din pumunta ng downtown para magpa renew ng passport sa Philippine Consulate.

natapos naman namin a little over lunch time ang mga dapat naming gawin kaya ipinasyal namin si sebastian sa Millenium Park (harap lang ng Consulate). meron doong fountain -- The Crown Fountain

Designed by Spanish artist Jaume Plensa and inspired by the people of Chicago, The Crown Fountain is a major addition to the city's world-renowned public art collection.
The fountain consists of two 50-foot glass block towers at each end of a shallow reflecting pool. The towers project video images from a broad social spectrum of Chicago citizens, a reference to the traditional use of gargoyles in fountains, where faces of mythological beings were sculpted with open mouths to allow water, a symbol of life, to flow out. Plensa adapted this practice by having faces of Chicago citizens projected on LED screens and having water flow through a water outlet in the screen to give the illusion of water spouting from their mouths. The collection of faces, Plensa's tribute to Chicagoans, was taken from a cross-section of 1,000 residents. The fountain, which anchors the southwest corner of Millennium Park at Michigan Avenue and Monroe Streets, is a favorite of both children and families. The water is on from mid-spring through mid-fall each year (weather permitting,) while the images remain on year-round.

"A fountain is the memory of nature, this marvelous sound of a little river in the mountains translated to the city. For me, a fountain doesn't mean a big jet of water. It means humidity, the origin of life." -Jaume Plensa

heto ang link sa magagandang pictures ng Crown Fountain: http://www.pbase.com/tanakak/crown












tapos pose ang mag-daddy sa Jay Pritzker Pavilion

Frank Gehry, winner of the National Medal of Art, applied his signature style to this revolutionary outdoor concert venue. The Pavilion stands 120-feet high, with a billowing headdress of brushed stainless steel ribbons that frame the stage opening and connect to an overhead trellis of crisscrossing steel pipes. The trellis supports the sound system, which spans the 4,000 fixed seats and the Great Lawn, which accommodates an additional 7,000 people.

This state-of-the-art sound system, the first of its kind in the country, was designed to mimic the acoustics of an indoor concert hall by distributing enhanced sound equally over both the fixed seats and the lawn.

The Jay Pritzker Pavilion is home to the
Grant Park Music Festival and other free concerts and events. It was named in memory of Chicago business leader Jay Pritzker, who with his wife Cindy, established the Pritzker Architecture Prize in 1979.

"How do you make everyone - not just the people in the seats, but the people sitting 400 feet away on the lawn - feel good about coming to this place to listen to music? And the answer is, you bring them into it. You make the proscenium larger; you build a trellis with a distributed sound system. You make people feel part of the experience."
-Frank Gehry






and last sa Cloud Gate on the AT&T Plaza

Cloud Gate is British artist Anish Kapoor's first public outdoor work installed in the United States. The 110-ton elliptical sculpture is forged of a seamless series of highly polished stainless steel plates, which reflect the city's famous skyline and the clouds above. A 12-foot-high arch provides a "gate" to the concave chamber beneath the sculpture, inviting visitors to touch its mirror-like surface and see their image reflected back from a variety of perspectives. Inspired by liquid mercury, the sculpture is among the largest of its kind in the world, measuring 66-feet long by 33-feet high. Cloud Gate sits upon the At&T Plaza, which was made possible by a gift from AT&T.

"What I wanted to do in Millennium Park is make something that would engage the Chicago skyline…so that one will see the clouds kind of floating in, with those very tall buildings reflected in the work. And then, since it is in the form of a gate, the participant, the viewer, will be able to enter into this very deep chamber that does, in a way, the same thing to one's reflection as the exterior of the piece is doing to the reflection of the city around."
-Anish Kapoor



spot me in the Cloud Gate

38 weeks... and still counting...

yup! 38 weeks na akong buntis. well, ang due date naman ay binibilang nila hanggang 40 weeks pero at 37 considered ang full-term ang baby sa loob at pwede nang lumabas. si sebastian ay lumabas ng 38 weeks & 5 days, so i'm hoping na hindi naman makipag kumpetensiya etong nasa loob ko at maisipang "ay ako mas matagal sa loob ni mommy!" at magbabad pa...

handang-handa na ako, kami na makita manganak. ako sa part na gumaan-gaan man lang ang dalahin dahil sobra talaga ang nilaki ko ngayong pagbubuntis na ito. imagine na weight gain ko ay 29 lbs.! nasa normal range pa naman kaya lang hindi sa normal weight na sanay ang katawan ko na buhatin...

at saka sa sobrang laki ng tiyan ko ngayon, ang hirap na talagang kumilos... yung pagong nga nasa likod pa yung dala nya ang bagal-bagal na gumalaw, imagine kapag nasa harap yung load???

tapos itong magaling kong asawa lagi akong pinapanood maglakad. nakakatawa daw ako tignan, kasi "parang" nauuna palagi yung tiyan ko... eh ano bang mauuna??? de yung nakaumbok! at sige na, talagang mukhang penguin o bibe ako maglakad, kasi masakit na yung po yung balakang ko at kung anu-anu pa doon...

pero lahat ito tinitiis nang isang gustong maging ina (na hindi nararanasan ng mga gustong maging ama!) mula sa paglilihi, sa pagbabago ng katawan, ng emosyon at kung anu-ano pa...

ok na, handa na...