Thursday, January 03, 2008

snow play...

first day of new year... holiday... walang kaming magawa. kesa magshopping na naman at magdagdag ng utang sa credit card we decided to play in the snow... (kasi ba naman mula Dec 30 hindi na halos tumitigil ang snow fall)



after lunch: nung napag desisyunan naming cge na nga, mag sledding tayo. pero bibili muna kami ng sled sa Walmart. pero bago pa kami nakaalis sa pagpapatung patong pa lang ng panlamig... 2:00 na ng hapon.

2:30pm nasa Walmart na. halos naubos na yung mga sled (or whatever tawag nila dun ~ tobogan). tatlo na lang ang pagpipilian, yung matigas na shell (napakalaki naman, takot kami sa ii-storage na naman), yung super lambot at yung last inflatable. so sa kulang 1 hour na pagdedecide yung inflatable na lang...

3:30pm nasa gas station para sana mag-pump ng sled. kasi nawawala yung "pin" namin... so uwi na lang sa apartment para mag-pump using yung sa airbed.



4:00pm OK naka inflate na! go na kami dun sa golf driving range na merong fort na maliit na hill na ng snow ngayon...



hay grabe! pagbaba namin ng sasakyan malakas pala ang hangin (kasi nga open area) chaka hapon na talaga at malapit na nga dumilim. 17 degrees na pala! kaso ang wind chill baka wala pang 10 degrees... sus! nginig!!!

dadi & sebastian

sebastian & audric



pero si sebastian excited... so, panik sila ni dadi. unang slide, hahaha... napuno si sebastian ng snow sa mukha. pero OK lang daw sha... at tumatakbo na ulit pabalik sabi pa "back to top! back to top!"



naka tatlo o apat lang yata silang slide nagyaya na ako umuwi kasi taga picture at video lang ako. walang adrenalin rush kaya ako lang ang nilalamig. manhid na dulo ng mga daliri ko sa kamay at paa!



5pm plus pauwi na kami. umiiyak naman si sebastian kasi nga gusto pa nya maglaro. at gusto nya gumawa ng snowman. sabi namin sa backyard na lang gagawa ng snowman. tumahan naman.



hayun pagdating sa apartment hindi na sila nagtanggal ng panlamig derecho sa likod at naglaro pa ng snow... grabe ang bata parang naglalaro ng sand! hindi giniginaw...



No comments: