father christmas...
last saturday, Dec 1, 2007, naranasan namin ang unang snow dito sa Illinois...
within about 3 hours of snow fall ang accummulate sha ng more than an inch yata sa aming walk-way...
ginaw! may schedule pa naman kaming mag-anak pumunta sa log cabin ng Spring Valley Nature Sanctuary para makita si "Father Christmas" para masabi ni bastian kung ano ang gusto nyang gift sa Christmas Eve.
akala nyo ba napigil ng snow ang makakaing paa namin... shempre hindi...
3:00pm lumabas na kami. although wala nang snow-fall madami ng snow sa labas ng bahay at nagsisimula ng umulan. kaya yung snow nagiging ice na... bago pa kami naka drive 3:30pm na dahil nagalis pa ng snow sa sasakyan.
3:45pm nasa parking lot na kami ng nature sanctuary. si bastian nakatulog! cge hayaang munang mag nap...
after 30 mins nagmulat... kahit inaantok pa sha kinausap namin para magising at sinabi ang magic words "pupunta na tayo kay Father Christmas." gumising... naglakad... sa snow!
yung place na pupuntahan namin about half a mile yata na walk sa loob ng parang kakahuyan (nature sanctuary nga eh). imagine a forest na may snow (yung parang napapanood sa tv na madilim na usually napupuntahan ng mga nawawala hehehe...) ganun ang setting.
pero pagdating namin sa Log Cabin, warm naman at worth na rin... meron silang fire sa fireplace, may cookies to decorate and eat may hot foods and hot cocoa... at nandun naman si Father Chritsmas.
si Father Christmas unlike Santa Claus ay mapayat, at mukhang christmas ghost hehehe... hindi rin sha nakaupo lang (ewan ko kung baket) at nagkakandong ng bata para tanungin kung anong gusto nilang gift... pero OK rin sha... mas mabilis kasing na grant yung chritsmas wish ni bastian hehehe...
No comments:
Post a Comment