Friday, May 11, 2007

pasyal... pasyal...

masaya itong last na road trip namin. marami kaming "side trips". mas may oras kasi unlike nung mga nauna na nagmamadali kaming makarating kaagad para maimpress ang mga bagong boss...

unang side trip:
Loretto Chapel, Santa Fe, New Mexico. pupuntahan lang sana namin ang Miraculous Staircase sa Loretto Chapel. nandun din pala ang Oldest Church at Oldest House.
OLDEST CHURCH, Santa Fe, NM

OLDEST HOUSE, Santa Fe, NM


pangalawang side trip:
Route 66 National Museum, Elk City, Oklahoma. hindi na nga lang namin pinasok kasi medyo sumasama na ang panahon. nagmadali na kami at baka abutan pa kami sa daan ng bagyo... so picture lang outside. maganda pa nga sana kung na explore namin kasi meron pang Old Town Museum sa tabi... sayang...


pangatlong side trip:
Gateway Arch, St. Louis, Missouri. dito ang sayang hindi kami nakasakay sa tram papanhik sa arch. pero pwede pa cguro namin balikan kasi mga 3-4 hrs lang naman sha from chicago.... yun eh kung sisipagin si bernardino.

No comments: