Friday, August 24, 2007

thomas...

lahat nga naman gagawin ng isang magulang para sa kaligayahan ng anak...

malakas ang ulan...

galing sa sakit si sebastian (may lagnat wednesday and thursday)...

pero sabado ng umaga nagda-drive kami sa ulan papuntang A Day Out with Thomas.

si Thomas ay cartoon na train na naging favorite ni sebastian before pa sha mag two year old. last May dapat sasakay na kami sa kanya nung pumasyal sha sa Grand Canyon Railway... kaso lumipat na kami nun dito sa Illinois. buti na lang pumapasyal din pala sha dito so a month before the event bumili na ko ng ticket (mahirap ng maubusan). hindi ko lang inaasahan na ganito naman pala ang summer dito?! summer, maulan? hindi kagaya sa Phoenix ang summer SUPER HOT! buti na lang kahit umuulan nag enjoy ang aming sebastian. nung una medyo NR (no reaction - like father like son). pero nung nagtagal happy na sha. isa pang nag enjoy sha sa paglalaro sa tubig, first time nya mag tampisaw!

hindi naman bumalik ang lagnat nya... medyo inubo lang. buti nga hindi hinika... madami kasing nasinghot na usok ng sigarilyo kasi nga outdoor at maulan madaming giniginaw kaya naninigarilyo kahit alam nilang madaming bata...

next year... baka hindi na kami bumalik. malaki na rin naman nun si sebastian baka ibang character na gusto nya by that time heheh...










Tuesday, August 14, 2007

angel of God...

maaga natutunan ni sebastian mag-pray ng "angel of God". simula nung una pa lang magsalita sha nagdadasal na sha. kaya lang dati kaming dalawa ang nagdadasal... ngayon sha na lang magisa :-)