Wednesday, November 14, 2007

ninang...

yes! mabenta ang beauty ko ngayong taon...

dalawang beses na akong nakuhang ninang...

una kay Ian Alaraz ~ second son sha ni Irza (high school friend ni dadi bernard) and Aries.

second time ay kay Jericho Ivan Agoncillo ~ second son din ng mga bago naming friends dito sa Illinois na sina Raquel at Wilson.

ako, personally ay natutuwang makuhang ninang. i take it seriously.
sa ngayon nga lang napapabayaan ko ang mga inaanak ko sa Pinas mula nung matigil kami dito sa US. at yung iba matagal ko na talagang hindi nakikita kasi sa malalayong probinsya na rin sa pilipinas sila naninirahan.

heto ang mga inaanak ko: Apple, Dennis, Ahmed, Floyd, Alyster, Jorel, Nadine, Nigel, Ian and Jericho

sana wala akong nakalimutan... hehehe... kung wala dito ang anak nyo at ninang pala ako paki sabi... cguro kasi hindi ako naka attend ng binyag at hindi ko alam na nilista akong ninang...

Friday, November 02, 2007

Look A Like...

Thursday, November 01, 2007

halloween...

more picture from halloween trick ot treating...


trick or treat...

first time ni Sebastian mag-Trick or Treat...
Pirate ang costume ni Sebastian. kasama nya ang kanyang friend si Audric a.k.a. Elmo.


Thursday, October 18, 2007

Tuesday, October 16, 2007

one fine day...

habang hindi pa mashadong lumalamig dito sa Illinois, sinasamantala namin ni sebastian ang outdoors. kasi sabi nilang mga nauna dito, kapag nag snow storm daw at least a week kang hindi makakalabas...

maganda sa bago naming apartment. apat ang parks na walking-distance lang. yung isa yung pinuntahan na naming may farm animals, yung dalawa ay playground, at itong isa ay ang tinatawag nilang Praire Arts Center.

birthday ko...

happy birthday to me (last Sept 5 pa...) 32 na ako.

masaya naman... hindi ako nagluto ng hapunan dahil gusto kong kumain sa labas!

late na nga kami nakaalis kasi nanood pa si dadi ng US Open.


ano bang masaya sa pagiging 32?

ako, sa ngayon ay napakasaya naman... healthy kaming pamilya.

lahat naman halos ng dinadasal namin ay natutupad... (mga 3 na lang sa dasal ko ang hindi pa binibigay pero masaya parin! heheh)


accomplishments at 32?

hmmm... kung hindi kinukunsidera ng ibang tao na accomplishment ang pagiging maybahay... de wala akong naa-accomplish sa kulang 4 na taon na... pero sa mga taong pumupuri sa mga ilaw ng tahanan... Salamat!


imaginative...

haaayyy ang anak ko... wala akong masabi. 2 1/2 pa lang sobrang imaginative na! ako naman ay sumusuporta lang...


si daddy bernard kasi isang gabi ay inutusan kong bumili ng gatas. sa grocery store na ito ay paper bag ang gamit nila... kina-umagahan nakita ni sebastian ang paper bag... isinuot sa ulo nya at sabi "Look at me mommy! I'm a robot!!!" (with matching trying hard robot sound effect)


naaliw naman ako... at nabaliw ng konti. kaya kumuha ng construction papers at voila! robot na ang anak ko!

Monday, September 17, 2007

toilet training...

tama ang nabasa nyo... TOILET nga...

gusto ko lang i-share na graduate na si sebastian sa toilet training... yehey!

it took us a less than a week sa #1 (wee-wee), and 3 weeks sa #2 (poo-poo). may ilang friends na nagsabing magaling daw si sebastian at ang mommy (sarap! me nagrecognize sa efforts ko :-D). akala ko nga magiging nightmare ang pagpo-Potty training kasi constipated si sebastian. buti na lang hindi naging mahirap... sa ngayon malaki-laki na rin ang natitipid namin sa pull-up diapers. nagsasabi na si sebastian kahit madaling araw, kahit sa Mall, kahit nasaan kami... one time nga nasa playground kami, maliit na park lang sha kaya walang restrooms, first time nag#1 ni sebastian sa tabi ng puno heheh... nung next time na nagpunta kami ng playground gusto ulit mag#1 sa tabi ng puno hahaha! sabi ko "No baby, emergency lang yun..." nd naman sha nag-go...

tiyagaan lang pala ang katapat ng Potty training...

ipo post ko yung technique na ginamit ko sa aking Friendster Group...

Friday, August 24, 2007

thomas...

lahat nga naman gagawin ng isang magulang para sa kaligayahan ng anak...

malakas ang ulan...

galing sa sakit si sebastian (may lagnat wednesday and thursday)...

pero sabado ng umaga nagda-drive kami sa ulan papuntang A Day Out with Thomas.

si Thomas ay cartoon na train na naging favorite ni sebastian before pa sha mag two year old. last May dapat sasakay na kami sa kanya nung pumasyal sha sa Grand Canyon Railway... kaso lumipat na kami nun dito sa Illinois. buti na lang pumapasyal din pala sha dito so a month before the event bumili na ko ng ticket (mahirap ng maubusan). hindi ko lang inaasahan na ganito naman pala ang summer dito?! summer, maulan? hindi kagaya sa Phoenix ang summer SUPER HOT! buti na lang kahit umuulan nag enjoy ang aming sebastian. nung una medyo NR (no reaction - like father like son). pero nung nagtagal happy na sha. isa pang nag enjoy sha sa paglalaro sa tubig, first time nya mag tampisaw!

hindi naman bumalik ang lagnat nya... medyo inubo lang. buti nga hindi hinika... madami kasing nasinghot na usok ng sigarilyo kasi nga outdoor at maulan madaming giniginaw kaya naninigarilyo kahit alam nilang madaming bata...

next year... baka hindi na kami bumalik. malaki na rin naman nun si sebastian baka ibang character na gusto nya by that time heheh...