tapos na ang Spring Saturday Pre-school at Art Class ni Sebastian...
academically, wala naman sha natutunan... heheh. ano ba naman ang aasahan sa 2 hours na klase. pero mas maganda talaga magpa pasok sa Pre-school sa atin. naaalala ko kasi noong nagNursery ako tinuturuan na kaming magsulat, magbilang, magcolor bukod sa mga kanta at games na ginagaw namin... dito puro lang sila kwento, kanta, arts, at games...
pero natuto naman makipag socialize si Sebastian kahit papaano... napapansin ko sa kanya na marunong na sha magshare, at maghintay ng turn nya, at mas mahaba na ang pasensha nya...
kay ie-enroll pa namin sha ulit sa Summer Saturday Pre-school at Sports Class naman...
hopefully, next year maipasok na namin sha sa regular preschool para mas matuto na sha at mas maging prepared sa school...
heto lang ang naipon naming arts nya...
muddy pig... nung ang topic nila ay farm animals... frog daw ito gawa nila for Mother's Dayfirst Mother's Day card na gawa ni Sebastian for me...sa Art Class...
Caterpillars and Butterflies fish and other water creatures duck with multi color feathers flower na nasa loob ang stem at dahon gawa sa rubber squeegie