thanksgiving pictures...
turkey...
life's challenges are but God's blessings...
November 22, 2007... Thanksgiving Day...
marami kaming ipinagpapasalamat. isa na ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan... parami-na sila ng parami (which is nakakatuwa) kalilipat namin...
kaya naisipan naming mag get-together. potluck dinner, sa apartment namin...
okay na sana... konting stress lang sa paghahanda ng (usually magulong) bahay...
tapos a day before may nagbigay nag turkey!
ORAYT! pressure... pressure... pressure
mabuti na lang may nahanap na kong recipe for turkey na easy-peasy. pero napakatagal pala talagang lutuin ng ibon na yon! limang oras yata! inumpisahan ko ng ala una ng hapon naluto ng 6:30... tama 5 hours sha sa loob ng oven!
pero success naman... (i think) nakain namin, walang nalason, walang naospital...
Happy Thanksgiving!!!
autumn a.k.a. fall season...
ito cguro ang pinaka paborito kong season. hindi mainit, hindi mashadong malaming, mahangin... pinaka gusto ko kasing weather yung may araw, mahangin at parang magic na may mga nalalaglag na mga dahon habang naglalakad ka... (romantic kahit nagiisa ka, promise...)
tapos dito sa US ito na ang naturally makulay na season. mula nang dumating kami dito madami na kong koleksyon ng fall colors. hindi ko na lang maipo post kasi yung iba sa cellphone ko lang kinunan (nawala na). pero heto ang ilan sa kinunan ko ngayon...
marami ng alam na kanta si sebastian...
mostly galing sa mga cartoon sa TV. madalas nagugulat pa ako kasi either matagal na matagal na nyang napanood, or minsan lang nya napanood pero alam pa rin nya kantahin. cguro, mana sha sa amin ni dadi bernard na mahilig din naman kumanta.
pero eto an isang kanta na pilit pinapakabisa ni dadi sa kanya... kasi ito raw ang meron sa videoke???
walang magawa ang aking mag-ama...
gusto raw maging bird ni sebastian. pinagbigyan naman ng dadi.
enjoy!
yes! mabenta ang beauty ko ngayong taon...
dalawang beses na akong nakuhang ninang...
una kay Ian Alaraz ~ second son sha ni Irza (high school friend ni dadi bernard) and Aries.
second time ay kay Jericho Ivan Agoncillo ~ second son din ng mga bago naming friends dito sa Illinois na sina Raquel at Wilson.
ako, personally ay natutuwang makuhang ninang. i take it seriously.
sa ngayon nga lang napapabayaan ko ang mga inaanak ko sa Pinas mula nung matigil kami dito sa US. at yung iba matagal ko na talagang hindi nakikita kasi sa malalayong probinsya na rin sa pilipinas sila naninirahan.
heto ang mga inaanak ko: Apple, Dennis, Ahmed, Floyd, Alyster, Jorel, Nadine, Nigel, Ian and Jericho
sana wala akong nakalimutan... hehehe... kung wala dito ang anak nyo at ninang pala ako paki sabi... cguro kasi hindi ako naka attend ng binyag at hindi ko alam na nilista akong ninang...
first time ni Sebastian mag-Trick or Treat...
Pirate ang costume ni Sebastian. kasama nya ang kanyang friend si Audric a.k.a. Elmo.