Thursday, October 18, 2007

call me free

Tuesday, October 16, 2007

one fine day...

habang hindi pa mashadong lumalamig dito sa Illinois, sinasamantala namin ni sebastian ang outdoors. kasi sabi nilang mga nauna dito, kapag nag snow storm daw at least a week kang hindi makakalabas...

maganda sa bago naming apartment. apat ang parks na walking-distance lang. yung isa yung pinuntahan na naming may farm animals, yung dalawa ay playground, at itong isa ay ang tinatawag nilang Praire Arts Center.

birthday ko...

happy birthday to me (last Sept 5 pa...) 32 na ako.

masaya naman... hindi ako nagluto ng hapunan dahil gusto kong kumain sa labas!

late na nga kami nakaalis kasi nanood pa si dadi ng US Open.


ano bang masaya sa pagiging 32?

ako, sa ngayon ay napakasaya naman... healthy kaming pamilya.

lahat naman halos ng dinadasal namin ay natutupad... (mga 3 na lang sa dasal ko ang hindi pa binibigay pero masaya parin! heheh)


accomplishments at 32?

hmmm... kung hindi kinukunsidera ng ibang tao na accomplishment ang pagiging maybahay... de wala akong naa-accomplish sa kulang 4 na taon na... pero sa mga taong pumupuri sa mga ilaw ng tahanan... Salamat!


imaginative...

haaayyy ang anak ko... wala akong masabi. 2 1/2 pa lang sobrang imaginative na! ako naman ay sumusuporta lang...


si daddy bernard kasi isang gabi ay inutusan kong bumili ng gatas. sa grocery store na ito ay paper bag ang gamit nila... kina-umagahan nakita ni sebastian ang paper bag... isinuot sa ulo nya at sabi "Look at me mommy! I'm a robot!!!" (with matching trying hard robot sound effect)


naaliw naman ako... at nabaliw ng konti. kaya kumuha ng construction papers at voila! robot na ang anak ko!