Wednesday, July 11, 2007

theme park...

4th of July 2007 at Six Flags Great America at Gurnee, IL.



mga less than an hour ang layo sa aming apartment. ang aga naming umalis... mga 8:30am. gusto kasi namin maaga kasi magaayos pa kami ng season pass card. hindi naman pala kailangang ayusin agad... so nag enjoy na kami.
first stop: Carousel. two storey carousel sha. shempre warm-up sa kids (kasama namin ang Serador Family, Mike, Shirley and Audric).


next stop: Sky Trek Tower. 285 feet rotating viewing deck. maganda kasi makikita mo ang buong theme park. dun na namin pinagusapan kung au-ano ang gustong sakyan at puntahan. hindi natakot ang kids kasi para lang naman shang elevator...
next stop: nag Go Cart si dadi at Mike. isasakay sana nila ang mga boys kaya lang hindi pa umabot ang babies namin sa minimium height requirement nila. nagwawala tuloy ang babies namin habang nage enjoy ang mga daddy...

next stop: Papa John's. ay ang sarap dito!
next stop: Wiggle's World... dito talaga nag enjoy ang babies namin. then Camp Cartoon Network. feeling ko nga nag grown up na in an instant si sebastian nung kinaya nyang sumakay ng ferris wheel na hindi kami kasama.... at marami pang ibang rides na sha lang... nakakatuwa panoorin...





habang nasa Wiggle's World kami sumakay ang mga daddy sa medyo daring na ride... Una nila ang American Eagle. masakit daw sa katawan kasi ito ang pinakalumang ride dito sa Six Flags, IL, 25 years old na wooden roller coaster.

after neto nag train ride muna kami para ulit sa kids sa Scenic Railway... hayun nakatulog na si sebastian... si audric medyo malakas ang battery, a little later pa bumigay pero bumigay din... hehe



habang tulog ang babies nagutom yata kami. nagyaya si mike kumain ng Funnel Cake... sarap!

habang tulog pa rin ang babies niyaya ko si shirley mag shop sa isang souvenir shop. habang nasa lob kami nag rides na naman pala ang mga daddy habang nasa loob kami... Revolution, paikot-ikot na pendulum. buti na lang hindi nila "inilabas" yung funnel cake hehe...
nagLogger's Run kami nung nagising na ang mga babies... saya! una muna kaming family. basang basa si dadi si sebastian at ako sa shoulders lang. ginitna namin si sebastian para hindi gaanong matakot, pero nung sumigaw yata kami natakot kesa nung bumagsak kami kaya sabi nya "we go home now..." hahaha
last thrill ride ng mga daddy - Raging Bull. The tallest, fastest, longest roller coaster at Six Flags Great America, Raging Bull is also the world’s first hyper-twister coaster. kinaya naman nila... tignan nyo na lang ang before and after nila...

may nerbyos ang mga ngiti nila... before the ride

uuuuy...kinaya at nakakangiti pa ha! after the ride

all in all, nag enjoy kami at babalik pa kami. worth naman ang season pass kahit cguro 3x lang kami makabalik. pero mukhang hihigit pa sa 3x kami makakabalik, if weather permits, bago mag winter.

hunk...@ the Lake

heto ang hunk ng buhay ko...


buti na lang ako nakahuli neto...


hindi sha perfect. pero perfect sha sa akin...

first time at the Lake... and Lincoln Park Zoo

summer time...

ine explore pa lang namin ang Illinois...

first time namin pumunta sa Beach, Lake Michigan.

maagang nagising si sebastian ng saturday morning, 6:30 pa lang yata... dahil napagusapan na namin ni bernardino the night before na pupunta nga sa beach sinabi ko na kay sebastian "tell daddy we're going to the lake." na-excite naman ang anak ko. takbo sa daddy nyang natutulog pa at sabi "daddy, wake up! we go to the lake!" paulit-ulit, pero ang daddy na inaantok pa hindi gumising... every 30 minutes nangungulit si sebastian hanggang bumigay na rin si dadi-bernardino at bumangon na ng 9:00am.

before 12 noon nasa Lake Shore na kami. puno na yung unang parking lot na napuntahan namin. yung sumunod ay parking lot ng Lincoln Park Zoo. mas mahal kesa dun sa una. pero cge nag park na rin kami...

malamig ang tubig! hindi ako nakaligo. malakas din ang hanging malamig kaya hindi talaga kaya. si dadi lang ang kumaya, si sebastian takot pa sa alon. picture, picture na lang...


turtle daw?

sand castles daw?

after ng mga 2 hours, sa Lincoln Park Zoo naman kami. free naman kasi ang entrance, eh nagbayad na rin naman kami ng parking, de lubusin na...



super nag enjoy si sebastian! sa lake, sa zoo... sapat na yun para mag enjoy din kami ng husto ni dadi... :-D