Thursday, June 28, 2007

atbp...

wala lang...


naaliw lang akong picure-an si sebastian na hindi umabot sa higaan sa sobrang antok.


hindi ko sha usually pinatutulog dito ha! ang kwento behind dito:


nanggaling kami sa church. nagmamaktol sha pagdating. humihingi na naman ng milk (eh kaka-milk lang nya sa simbahan). ayaw kong bigyan kasi gusto ko kumain muna sha ng lunch.

hindi muna namin pinansin dahil naglunch muna kami. busog naman nga kasi sha...

kumakain kami, parang may naririnig akong naghihilik??? hayun nga, pagsilip ko kaya pala tahimik na ay nakatulog na... heheh...

busog nga kasi kaya nakatulog na rin kaagad.

Tuesday, June 26, 2007

libreng pasyalan...

may napasylan kaming libreng pasyalan...
malapit lang sa bago naming apartment...
ang Spring Valley Nature Sanctuary...
meron silang 19th century set-farm with livestocks. tapos may hiking trail. maganda, relaxing ang most of all libre! kung maghahanap ka lang ng mapapaglakaran ng batang gustong mag explore, mas ideal shang puntahan kaysa mall. (marami kasing "tukso" sa mall, hehehe).
hindi pa namin naikot ng buo kasi malaki rin at hindi kami properly attired for trail hiking. babalik na lang kami next time...

Tuesday, June 19, 2007

father's day... continued...

si sebastian, sanay na kumain sa labas. sabi ko nga sa previous blog mas behave na sha.

nung nasa Olive Garden kami nung una medyo squirmy sha. can't blame him, medyo tanghali na. baka gutom na o antok. pero nung dumating yung food tumahimik...

tapos kumain na... 2 bread sticks, 2 fried mozzarella, sumubo pa ng pasta!

naka-nap tuloy sha ng hindi humihingi ng milk.... hehe...

father's day...

father's day naman...

day naman ni dadi-bernardino...

pinagising ko si dadi kay sebastian. pinabigay ko yung gift namin chaka pinabati ko sha ng Happy Father's Day... bait naman ng anak ko, nagkiss pa sa dadi... mukhang natuwa naman si dadi sa gift namin na mini-trophy, swiss knife and card (na may tugtog na Wild Thing).



nagchurch kami. may special blessing sa mga father after ng mass. tapos naglunch kami sa Olive Garden (shempre kasi favorite ng celebrant ay pasta).

tapos sa DSW shoe kami. kasi angtagal na gusto bumili ni dadi ng shoes. ako pa nga ang pumili kasi namamahalan sha, wla naman shang size sa sale items (kasi sobrang lalaki na ng sine sale nilang sizes). nakabili rin...

tapos Mall naman. nagpa gupit ako... hindi si dadi hehe... tapos stroll lang.

hayun... masaya naman...

three years nang daddy si bernardino. hindi ko masasabing wala akong reklamo (kasi marami at madalas nagrereklamo ako sa kanya hehe) pero i can already say i have the best husband and the best father for my kid. nobody is perfect naman, but dadi is perfect for me and sebastian...

we love you dadi...

lumalaki...

si sebastian... lumalaki na...

ngayong 2 1/2 na si sebastian, nakikita na ang pagmamature nya from toddler to pre-schooler.nasasaway na sha... sa church, marunong na sha gumamit ng "small voice" (pabulong). sa grocery, nakakahintay shang ibili ng gusto nya at nagbe behave (kasi pag hindi hindi sha ibibili). sa pagkain, nagbabago na ang choices nya, kumakain na sha ng kanin at ulam. hindi na sha puro pasta, toast at Gerber baby foods...

sa intelligence, kita na rin na medyo ready na sha sa school. mas magaling na sha magbilang ngayon. kahit nga yung moving objects kagaya ng lumilipad na ibon nabibilang nya ng tama. dati kasi ang bilang nya nagi-skip ngayon hindi na! tama na! marunong na nga humingi ng tamang bilang ng Stick-O! sa tv mas nagpaparticipate na sha sa mga interactive cartoon shows.

hindi na rin nga pala dapat ipilit ang toilet training. sa ngayon nagkukusa na si sebastian magsabi kung wi-wi sha or poo-poo. hindi pa nga lang palagi. mas madalas pa rin na nalilibang sha sa paglalaro kesa magsabi.

sa activities, nakakaaliw sha. habang naglalaro, hindi sha tumitigil kumanta... marunong na rin sha mag play pretend...

haaay... buhay... mabilis lang talaga...

ang baby ko lumalaki na. ngayon nagpapa kiss pa sha... bukas makalawa baka hindi na sha magpapa hug kasi mahihiya na sa mga kabarkada nya...

Sunday, June 10, 2007

presyo...

ang presyo nga pala ng cheap na bookshelf ni sebastian ay $0.40. kasi sa IKEA, yung mga piraso ng shelf na nabibili kahit anong size at finish at color 10cents ang isa. heheh...

Friday, June 08, 2007

pogi...

cheap...

cheap...

mahalagang word yan kahit napakamura ng kahulugan...

sino bang tao ngayon ang hindi cheap? cguro kahit yung mga milyunaryo at bilyunaryo kahit once in their life ay nakaranas bumili ng something cheap...

in my opinion, hindi naman masama maging cheap o matipid. hindi naman kasi madali kumita ng pera. marami pang pagkakagastahan ng mas importante in the future....

pero hindi talaga cheap ang living dito sa US. tapos ngayon nga napunta pa kami dito sa Illinois na napakatataas ng tax! ang mas mainam lang sha sa food items, lesser ang tax. unlike naman sa Arizona pantay ang tax sa lahat. kaya kung medyo hindi ka gagastos dito sa mga damit at ibang bagay na hindi naman makakain medyo maOK na rin.

kaya nga heto ang latest ka-cheapan namin ni bernardino...

kasi nga nakabukod na ng bedroom si sebastian... eh marami na shang books. so kailangan namin ng book shelf. naku! tempting... napakalapit ng IKEA dito sa bago naming apartment... pero hindi naman kami na-tempt bumili ng book shelf... meron kasi silang as-is department. where, you can find things in cheap (at yung iba not so cheap pa rin) na prices. duon meron silang shelf ng loose materials for cabinets. hayun pumili lang kami ng apat na pirasong tabla na magagawa naming bookshelf and... VIOLA! may book shelf na si sebastian.



ang highlight ng ka-cheap-an na ito ay ang mga ginamit naming turnilyo at pako. iba-iba kasi pinulot ko lang sa tool box namin hehehe.... pero OK naman di ba?

buhok...

si sebastian napakabilis talagang humaba ang buhok. kaya nga nung bago sha mag one year old napapagkamalan shang girl... kinalbo naman namin sha nung after nya mag first birthday.

nung nagbakasyon kami sa Pilipinas, sa loob ng apat na buwan namin duon, apat na beses yata shang pinagupitan ng mommy ko.

pagbalik namin dito once ko pa lang sha nagupitan hindi ko na inulit kasi takot na takot sha sa razor. as in napanaginipan nya yung gupitan session namin, umiiyak at sumisigaw sa pagtulog. kaya hayun humaba na naman ang buhok nya.
paglipat namin dito sa Illinois, medyo mainit. humid kasi ang weather dito hindi kagaya sa Arizona kahit summer hindi kami pinapawisan. sabi ni dadi gupitan na raw ulit namin. sabi ko humanap na lang kami ng naggugupit sa bata. hindi rin kami nakahanap kaya nung isang lunes tinapangan ko na lang gupitan si sebastian...

hindi naman sha nanaginip... although nakakaawa talaga yung iyak nya! baka nga akala ng mga kapitbahay namin minamaltrato ko na (buti na lang walang tumawag ng 911). hindi kasi umubra yung bribe ko na gummy bears...

heto ang new look ni sebastian...



Wednesday, June 06, 2007

aquarium...

last Memorial Day, May 28, ipinasyal namin si sebastian (at kami rin) sa Shedd's Aquarium, sa downtown Chicago. first time ko din nakarating ng downtown Chicago. maganda sha. luma kaya may character lalu na sa architecture ng buildings.

babalik pa kami para sa downtown tour lang talaga...

sa Shedd's Aquarium, nag enjoy si sebastian. first time nya makakakita ng malalaking fish after dun sa mga na-dead naming fish sa vase...

before kami umikot naglunch muna kami (kasi naman medyo tanghali na kami umalis heheh). kahit medyo matagal si dadi sa mahabang pila sa bilihan ng lunch, napaka patient ni sebastian maghintay. kasi sabi ko hindi na namin titignan ang dolphins pag hindi sha behave (:-D nakikinig na sha eh, nagpapasaway na kahit madalas na pasaway heheh)

inuna nmin yung 4D show nilang SpongeBob Square Pants. wala namang mashadong masamang sinabi si SpongeBob.... mahusay ang editing nila. nakakaaliw manood ng 4D, yung burger sa palabas maaamoy mo pa! (cguro yun yung burger na nabibili sa fastfood nila?). as usual natakot na naman si sebastian. pero natapos din namin....


tapos nun yung dolphin show naman. nag enjoy dun si sebastian. pumapalakpak pa nga.


tapos nagikot na kami. sa beluga whale, sa lizards, at marami pa...

family pose...
close up with the dolphin...
sebastian watching the white beluga

lizards, snakes and many more...


ang highlight ng exhibit nila nakaka-proud...


ang sabi: Welcome to the Philippines... isang buong section ng exhibit nila about the wild reef sa Pilipinas at Mangrove (bakawan yata yun?). mula pa raw sa Pilipinas ang exhibit na yun... binuo ng villager ni Apo. buti nga nare-recognize dito sa ibang bansa ang pagpapahalaga ng iba nating kababayan sa ating natural resources. sana nga mas marami pang magpahalaga...