Thursday, June 28, 2007

atbp...

wala lang...


naaliw lang akong picure-an si sebastian na hindi umabot sa higaan sa sobrang antok.


hindi ko sha usually pinatutulog dito ha! ang kwento behind dito:


nanggaling kami sa church. nagmamaktol sha pagdating. humihingi na naman ng milk (eh kaka-milk lang nya sa simbahan). ayaw kong bigyan kasi gusto ko kumain muna sha ng lunch.

hindi muna namin pinansin dahil naglunch muna kami. busog naman nga kasi sha...

kumakain kami, parang may naririnig akong naghihilik??? hayun nga, pagsilip ko kaya pala tahimik na ay nakatulog na... heheh...

busog nga kasi kaya nakatulog na rin kaagad.

1 comment:

apee said...

wawa naman si sebastian, di na kinaya ang pagod. mukhang mahimbing naman....