Monday, January 14, 2008

rewind... last Christmas day...

last Christmas... nung morning... pag gising ni sebastian, hinayaan namin shang maunang bumangon. nagpunta sha sa bathroom para mag wee wee... tapos pumunta na sa living room kung saan nandun ang christmas tree...

tumatakbo shang bumalik sa bedroom... excited! sumisigaw... "mommy, daddy! we should open the big box!" tanong naman kami kunwari, what big box? sabi nya "under the tree! Santa Claus was here!" napa smile na lang kami ni Dadi...

nakakatuwa...
evident naman sa smile ni sebastian na nahuli sha ng "magic" ng belief na may santa claus. happiness na naalala ko pa kasi lumaki rin akong may santa claus for the good first 12 years of my life (natapos lang nung isang christmas eve na nahuli kong nagbabalot ng gift si "santa" mommy ko)

ngayon 3 years old pa lang si sebastian and we're planning to keep this tradition until he outgrows it or mahuli nya kami, whichever comes first. basta all we know is we show our love to him by making him happy (and giving him extra special gift -- but not spoiling)






No comments: