Monday, December 03, 2007

three...

kahapon Dec 2, 2007, nag 3 years old na ang baby Sebastian ko...


hindi na kami nag BIG party kahit madaming friends na maiimbita (for reason i can not disclose yet). kaya nagluto lang ako ng pansit(for long life shempre), lumpia (store bought), hotdog with marshmallow (para makulay), cassava cake (request ni dadi) and birthday cake (pinagawa din). then we invited friends that only lives close by (kapitbahay lang, two families).


nakakatuwa si sebastian. gabi pa lang super excited na sha sa kanyang "birthday party" nung inaayos pa lang ni dadi bernard yung bahay... nag decorate lang naman kami ng konti para nga ma feel ni bastian ang birthday nya, at success naman!

si sebastian din ang pumili ng birthday cake nya, Madagascar! nasa store pa lang kami kinakanta na nya yung happy birthday ng animals duon...

all in all, i can say napasaya namin ni dadi bernard ang aming three years old.

tuwang tuwa pa sha sa mga natanggap nyang gifts... appreciate nya talaga.

haaayyyy, ang bilis lang magpalaki ng baby... parang hindi ko na nga maalala nung baby pa si bastian ko... ngayon pre-schooler na sha. ayaw na nga magpa kiss sa gabi, hug na lang daw... tapos kahapon sa simbahan may ka holding hands na na girl! ayaw na rin nyang mag diaper kahit umaalis, brief na lang daw. sa gabi lang namin napipilit kahit ayaw nya kasi sabi ko mababasa ang bed nya or mapupuyat kami kapag nanggising sya para magwee-wee... haaayyyy....

pero lumalaki shang mabait, matalino at mapagmahal... bukod sa super gwapo talaga! (shempre anak ko yan!)

1 comment:

GARET said...

Happy Birthday Sebastian!
Sana naalala mo pa si sophia.
Hehehe

Take Care